-Nagmamakaawa na ang OFW na si Myla na nasa Saudi na sana ay makauwi na siya dahil sa labis na hirap na nararanasan sa amo
-Bukod kasi sa labis-labis na trabaho ay wala din umano siyang sapat na kain at tulog
-Tinangka din siyang halayin ng kapatid ng kanyang amo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagmamakaawa ang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na si Myra Diola Orfinada sa video na ipinadala niya sa programang Bitag.
Giit niya, inaabuso siya ng kanyang amo. Bukod sa labis na trabaho ay wala din umano siyang sapat na kain at tulog.
Minsan na rin daw siyang tinangkang halayin ng kapatid ng amo nang ipadala siya ng amo sa bahay ng ina nito para paglinisin doon.
Hirap na hirap na umano ang ating kababayan at hindi na kaya pang tiisin ang pagdurusa sa kamay ng amo.
Kaya naman humingi na siya ng tulong sa pamilya upang iparating sa kanyang agency ang kanyang kalagayan.
Ngunit puro pangako lamang daw ang mag ito at labis na silang nag-aalala sa kalagayan ng kaanak kaya dumulog na sila sa Bitag.
Nasampolan naman ni Ben Tulfo ang isa sa mga nakausap ng programa sa agency ni Myra.
Sa huling bahagi ay isinangguni na nila ito sa OWWA na nangakong makikipagtulungan para maaksyunan ang anila'y nasa panganib na OFW.
POPULAR: Read more viral stories here!
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter
Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?
Source: Kami.com.ph