3-anyos na 2 araw nawala, ligtas at sinabing inalagaan siya ng isang oso

3-anyos na 2 araw nawala, ligtas at sinabing inalagaan siya ng isang oso

-Ligtas na natagpuan ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos itong mawala ng dalawang araw sa kagubatan

-Sobrang malamig ang panahon dahil sa panahaon kaya naman pursigido itong hinanap ng rescue team

-Nang matagpuan ito at maiuwi na sa kanilang tahanan, sinabi nitong inalagaan siya ng isang oso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang gabing hindi nakauwi ang 3 taong gulang na batang lalaki na si Casey Hathaway sa kanilang tahanan ngunit ligtas na natagpuan ng isang rescuer.

Dahil sa napakalamig na panahon, puspusan ang naging paghahanap sa paslit kabilang na ang helicopters, drones, K-9 units, divers at daang volunteers.

Natagpuan ang bata sa amsukal na bahagi ng kagubatan at nilalamig.

Ayon naman sa sheriff sa lugar na si Chip Hughes, “[Casey] did say that he had a friend in the woods that was a bear that was with him”.

Sinundan pa ito ng isang post ng tiyahin ni Casey na si Breanna Hathawaysa Facebook.

“He said he hung out with a bear for two days,” ayon sa Facebook post. “God sent him a friend to keep him safe. God is a good God. Miracles do happen.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report, ang gubat na iyon sa North Carolina kung saan ito nawala ay nagsisilbing tahanan para sa mga black bear.

Sa ulat ng SCMP, sinabing naglalaro lamang ang bata kasama ng dalawang iba pa sa likod-bahay ng kanilang lola ngunit hindi na ito kasama nang pumasok ang mga ito sa loob ng bahay.

Sinabi rin sa report na sadyang napakalamig ng panahon na umabot sa below zero degrees Celsius at hindi pa umano angkop ang suot nitong damit para sa ganoong panahon.

Malakas ang hangin at ulan noon at kahit ang mga volunteer ay pinatigil na rin.

Ngunit nang makauwi ito ay tanging tubig lamang ang hiningi nito at hinanap ang ina.

Nakapagtataka din na nakatakas ito sa mapanganib na lugar at panahon na kaunting galos lamang ang tinamo.

3-anyos na 2 araw nawala, ligtas at sinabing inalagaan siya ng isang oso

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel