Doble ang sakit! Biktima ng Jolo bombing, hindi na buong maiuuwi ang katawan

Doble ang sakit! Biktima ng Jolo bombing, hindi na buong maiuuwi ang katawan

-Isa sa mga biktima ng Jolo bombing ang padre de pamilya na si Leo Herbolario na labis na napuruhan sa pagsabog

-Naputol ang isa sa mga braso ni Leo kaya naman hindi na ito buong maiuuwi pa sa kanyang pamilya

-Labis ang hinagpis na nararamdaman ng mga naulila ni Leo na uuwi na sana ngayong Hunyo para makasama ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi matanggap ng pamilya ni Leo Herbolario, isa sa biktima ng Jolo bombing, ang sinapit nito dahil sa pagsabog.

Labis na napuruhan si Leo ng naganap na pagsabog sa Jolo Cathedral kung saan ito palaging nagsisimba. Naputol ang isang braso nito kaya hindi na ito maiuuwi ng buo sa kanyang pamilya.

Sobrang sakit ang nararamdaman ng mga kaanak nito. Uuwi na sana ito ngayong Hunyo para tulyan nang makasama ang pamilya pagkatapos ng pitong taong pagta-trabaho sa Jolo.

Kwento pa ng asawa nito na si Florinda sa panayam sa GMA News, alam naman daw ni Leo na delikado sa lugar kung saan siya na-assign ngunit dahil sa trabaho ay pinagtyagaan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ina at kapatid naman ni Leo ay labis-labis din ang hinanakit sa mga gumawa nito. Kinundena nila ang mga pagkadamay ng mga inosenteng sibilyan sa pagsabog.

Hindi rin nila matanggap na sa isang simbahan pa naganap ang pagsabog na dapat sana ay pinaka-ligtas na lugar sa lahat.

Ang anak naman ni Leo, nakatatak pa rin sa isip ang tuwina nilang pagsisimba kasama ang ama.

Hustisya ang sigaw nila para sa mga nasawi lalo na para sa kanilang Padre de pamilya.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ng mga biktima ng pagsabog sa Jolo, Sulu.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel