Nakakikilabot na "doble kara" na larawan ng bata, ibang mensahe ang nahagip ng espiritista

Nakakikilabot na "doble kara" na larawan ng bata, ibang mensahe ang nahagip ng espiritista

- Binalot ng katatakutan ang larawan ng isang batang babae na animo'y mala- "Kara Mia" na kuha ng isang bata

- Aminado ang pamilya ng bata na may mga kakaiba na silang nararamdman sa bahay

- Lumabas na ordinaryo lamang ang larawan ng bata ngunit ibang mensahe ang nahagip ng espiritista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalot ng misteryo ang larawan ng batang si Zed na taga-Pembo Makati. Ang ordinaryong kuha ng nagbibiruang magkapatid ay nauwi sa kababalaghan nang biglang lumabas sa salamin ang mukha ng batang nakatalikod naman dito.

Sa kwentong binahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho, motibo sana ng programa na malaman kung paano nagawa o nangyari ang naturang kuha sa batang si Zed.

Ayon sa ina nitong si Maricar, nagkatuwaan lang umano ang magkapatid na kumuha ng larawan gamit ang cellphone ng ina.

Di raw nila akalain na ganoon ang kalalabasan nito dahil dapat ay likod ni Zed ang makikita bilang nakatalikod ito sa salamin.

Aminado si Maricar na tila may iba pa silang "kasama" sa bahay. Kaya naisip niyang baka ang bata na nasa salamin na parang si Zed ang siyang nagpapapnsin sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayroon din kasi siyang nararamdaman sa kanilang kusina na animo'y laging may nakatingin sa kanya.

Taong 2013 nang may naglako sa kanya na salamin. Naawa siya sa matandang naglalako nito dahil wala raw pamasahe pauwi ng Bulacan.

Binili ni Maricar ang salamin dahil bukod sa mura ang alok nito, buy 1 take 1 pa.

Mula nang bilhin ang kambal na salamin, iba't iba na lalong paramdam o pagpapakita ang nararamdaman nilang mag-iina.

Pinasuri sa paranormal expert na si Jay Zambrano ang bahay nina Maricar, nakumpirma na mayroon nga silang mga "bisita" roon.

At nang pinakita ang salamin, ibang mensahe ang nahagip ng espiritista at wala itong kauganayan sa bata.

Nakuha niya ang pangalang "Carl" na sa una ay di agad naisip ni Maricar kung sino.

Biglang naalala ni Maricar na si Carl ang namayapang kasintahan ng panganay niyang si Winslet.

Naka-dorm kasi si Winslet kaya wala ito sa bahay. Namatay si Carl sa araw pa ng kapangakan ng kasintahan na tila ay masakit pa rin para sa kanya.

Pinasabi raw umano ni "Carl" sa espiritista na mahal na mahal niya si "Moshi." Naalala ni Maricar na "Moshi" ang term of endearment ng dalawa.

Ayon din sa Paranormal expert, wala raw kababalaghan sa larawan at ito'y ordinaryong kuha lalo na sa isang smartphone.

Pinasuri rin ang litrato sa isang photography expert na si Jijo De Guzman. Pinaliwanag nito na Panorama shot lamang ang kuha nina Zed at kapatid niya.

Samantala, para raw sa ikatatahimik ng kaluluwang nagpaparamdam sa bahay nina Maricar, pina-cleanse na nila ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated Swimsuit model na rin!

Victoria's Secret Angel Kelsey Merritt, bagong Sports Illustrated model na rin!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel