Babae, nakatuluyan ang beki na karibal niya sa dating BF

Babae, nakatuluyan ang beki na karibal niya sa dating BF

- Dating magkaribal sina Angelica at Jeffrey sa iisang lalaki na si Justin

- Malaking insulto raw kay Angelica na pinagpalit siya ng kanyang nobyo sa isang beki ngunit kinaibigan pa rin niya ang kanyang karibal

- Na-develop mula sa pagiging magkaibigan ang dalawa hanggang sa humantong sa pagkakaroon na nila ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba talaga ang love story nina Angelica at Jeffrey na nagkakilala sa naiiba ring sitwasyon.

May kasintahan noon si Angelica na tinago nalamang nilla sa pangalang Justin. Nagulat na lamang daw ito nang makita isang araw sa Facebook account nito na may karelasyon umano ang nobyo niya na isang bakla.

Masakit ito para kay Angelica dahil aminado siyang baliw na baliw siya kay Justin.

Nalaman ng KAMI na kakaiba ang paraan ni Angelica ng pagdadala ng nadaramang sakit. Imbis na awayin si Jeffrey, kinaibigan niya ito.

Dito nagsimula ang kanilang kakaibang pagkakaibigan. Nang pareho silang nakipaghiwalay kay Justin, tila nakahanap sila ng kakampi sa isa't-isa.

Di lang iyon, di namamalayan ni Angelica na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya kay Jeffrey.

Lakas loob itong pinagtapat ni Angelica ang nararamdaman niya kay Jeffrey. Di rin daw alam ng beki kumbakit sinagot din niya ang babae dahil alam naman niya sa kanyang sarili na lalaki ang gusto niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dumating na ang araw ng pagkikita nila. May ipon daw noon na 1,000 piso si Angelica. Binilhan niya ng isang kilong labahitang isda si Jeffrey at para na rin daw sa pamilya nito.

Doon, naramdaman ni Jeffrey na mabait talaga si Angelica at di lamang sa text.

Minsan pang sinubok ang kanilang nararamdaman sa isa't isa nang magtext muli si Justin kay Jeffrey. Ngunit nangibabaw pa rin ang nararamdaman ni Jeffrey kay Angelica na mahal na mahal din siya.

Kalaunan, nagsama na sila at nagbunga pa ng isang malusog na supling ang kanilang pagsasama.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel