Pangako ng isang sekyu sa kanyang misis, tinupad nito sa pamamagitan ng bota

Pangako ng isang sekyu sa kanyang misis, tinupad nito sa pamamagitan ng bota

-Isang lihim mula sa namayapang security guard ang lubos na ikagulat ng kanyang pamilya matapos itong 'di sinasadyang matuklasan

-Bago kasi namayapa ito, nangako pa ito sa asawa na muli itong pakakasalan pagsapit ng ika-50 taon ng kanilang anibersaryo

-Ngunit hindi na ito umabot pa sa takdang araw dahil dalawang buwan bago nito, pinutol na ito ng kamatayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang buwan na lamang bago ang ika-50 anibersaryo ng mag-asawang Rey at Emelita nang pumanaw ang una.

Ngunit isang napakalaking lihim pala ang itinatago nito para sa asawa. Naitampok pa ito sa programang Rated K.

Sa kanyang bota na nasa sa kanyang pwesto sa paaralan kung saan siya naninilbihan bilang security guard, nakatago ang napakalaking halaga na umabot sa P198,000.

Hinala ng pamilya, para sana sa pangako nitong pakakasalan muli ang asawang si Emekita inilalaan ni tatay Rey ang perang inipon nito.

Ngunit January 12, 2019, pumanaw si tatay Rey. Ngunit hindi man nito natupad ang pangako sa asawa, napatunayan naman nito hanggang sa huli ang pagmamahal sa asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ikinasal ang mag-asawa noong March 2, 1969. Ito'y pagkatapos nilang magtanan. Kwento ni nanay Emelita, mabait ang lalaki at tanggap ito ng mga kaanak maliban sa kanyang tatay.

Nagkaroon sila ng apat na anak. At tulad ng ibang realsyon ay dumaan din sila sa mga panahong halos sumuko na sila.

Ngunit sa huli ay sila pa rin naman ang magkasama. Hanggang sa maging isang security guard na ito sa isang paaralan.

Dati nang may sakit si tatay Rey, na-stroke na ito. Ngunit hindi ito naging hadlang upang patuloy siyang kumayod para sa pamilya.

Kahit na pinagpapahinga na ito ng doktor ay hindi pa rin ito tumigil sa paghahanapbuhay.

Pinatunayan nito ang pagmamahal sa pamilya hanggang sa huli.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel