OFW, tumalon mula sa 3rd floor para takasan ang agency na isang linggo na silang kinukulong

OFW, tumalon mula sa 3rd floor para takasan ang agency na isang linggo na silang kinukulong

- Isang Pinay OFW na nagawang tumalon mula sa ikatlong palapag ng building para lang takasan ang agency nila

- Ayon sa OFW, isang linggo na silang nakakulong at walang makain sa agency at di pa rin sila nabibigyan ng mapapsukan

- Nakita ang OFW ng isa ring Pinay na siyang tumulong na dalhin ito sa Labor Office

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Himalang nakaligtas pa ang isang Pinay OFW sa Dubai nang maisipan nitong tumalon sa ikatlong palapag ng gusali kung saan kinulong daw di umano sila ng agency.

Ayon sa panayam ng GMA news sa Pinay, Disyembre raw nang dumating siya sa Dubai. Sinundo siya ng employer at pinangakuan na mabibigyan na sila ng mapapsukan agad-agad.

Nalaman ng KAMI na sa kasamaang palad, kinulong lamang daw siya sa agency kung saan wala pa raw silang makain.

Kaya naman naisipan niyang tumalong mula sa ikatlong palapag ng gusaling kanilang tinutuluyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di na raw niya naisip kung mabubuhay pa siya matapos tumalon basta lamang makatakas sa agency.

Isa umanong kapwa Pinay ang nakakita sa kanya nang siya ay bumagsak kaya at tinulungan siyang makapunta sa Labor Office sa Dubai.

Mapapansin din na may support na ang kanyang katawan habang kapanayam siya ng GMA news. Marahil nagtamo ito ng bahagyang injury mula sa kanyang pagtalon.

Ang tanging hiling na lamang ng OFW ay makuha ang kanyang passport na nasa agency pa nang siya ay makauwi na agad sa Pilipinas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel