Lalaking naglakad habang tulog, patay nang mahulog sa building

Lalaking naglakad habang tulog, patay nang mahulog sa building

-Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos itong mahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang establisyimento

-Ang lalaki, kinilalang si Camilo Encenzo, may asawa

-Ayon sa asawa nito, naglalakad umano talaga ito kahit na natututlog o tinatawag na 'sleepwalker'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay ang isang lalaking naglalakad umano kahit na tulog o iyong tinatawag na 'sleepwalker' sa Pandacan sa Maynila.

Kinilala ito na si Camilo Encenzo, 45-anyos at may asawa. Nakatira ito sa Barangay Luzviminda, Dasmarinas, Cavite.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, natagpuan ng mga pulis ang lalaki sa ground floor ng ginagawang building ng Bagong Diwa Elementary School, Linceo Street, Pandacan, Manila.

Sugatan ito at nakahiga lamang. Agad naman itong isinugod sa Manila Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa inisyal na imbestigasyon, huling nakita si Encenzo na natutulog sa social hall na nasa ikaapat na palapag ng establisyemento bandang 9:00 ng gabi.

Sa kwento naman ng asawa nitong si Marichu Encenzo, 39-anyos, naglalakad umano ang kanyang asawa kahit na tulog.

Sinuportahan naman ito ng ilang pahayag ng ilang laborers na kasama nito.

Ngunit sinabi naman ni PO2 Marlon Dee na siyang may hawak ng kaso, patuloy pa rin silang mag-iimbestiga kung may foul play sa insidente.

Lalaking naglakad habang tulog, patay nang mahulog sa building

Photo source: Manila Bulletin
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel