Actual video ng dalagang namatay sa Sinulog night, ikinasama ng loob ng pamilya nito

Actual video ng dalagang namatay sa Sinulog night, ikinasama ng loob ng pamilya nito

-Masama ang loob ng mga kaanak ng dalagang namatay dahil umano sa drug overdose nang mapanood ang kumalat na video nito

-Nailibing na ang dalaga at patuloy pa rin ang paghingi ng hustisya ng pamilya ng dalaga

-Habang ang nobyo nito na isa sa mga persons of interest, missing in action pa rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob ng pamilya ni Ashley Abad nang mapanood ang aktuwal na video nito habang kina-cardiac arrest.

Si Ashley ang 19-anyos na dalagang namatay umano dahil sa dru9 overd0se noong Enero 19 habang nasa Sinulog party.

Sabi pa ng tiyuhin ng dalaga na si Benny Abad, nakadagdag lamang ito sa sakit na kanilang naramdaman nang makapanayam ng GMA News.

Nagtataka sila kung bakit kailangan pang suotan ito ng shades at may nagsabi pa na lasing lamang ito kaya nagkaganoon.

"Why do they have to put the shade? I mean, it's adding insult to injury for us. Ano pa ginawa nila? Tapos she was left behind pa, for a while. And the *** wanted to help but sabi nila wag niyong galawin, lasing lang 'yan. 'Yan ang sinabi," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nailibing na ang dalaga ngunit patuloy pa rin ang paghingi ng hustisya ng mga kaanak ng dalaga.

"Help us, not just today but after this. We want to have justice for Ashley," ayon kay Arcain Abad, kapatid nito.

Una nang naibalita ng KAMI na ang nobyo ni Ashley at ilang kaibigan nito ang itinuturing na 'persons of interest' sa kaso.

"Yes, sila naman ang magkakasama eh, wala namang iba eh," sabi ni Benny.

Samantala, may mensahe naman ang bestfriend ni Ashley na si Anton Magno para sa nobyo ng dalaga na missing in action pa rin.

"Can he shed light on everything? I want him to be the one to say what really happened," anito sa panayam sa GMA News.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel