Damay damay na! Lolit Solis, nabalitaang idedemanda ni Nicko Falcis

Damay damay na! Lolit Solis, nabalitaang idedemanda ni Nicko Falcis

- Ibinahagi ni Lolit Solis ang nakarating na balita sa kanya na diumano ay kakasuhan siya ni Nicko Falcis

- Wala daw siyang ideya kung bakit siya kakasuhan

- Gayunpaman, nagkomento ang magkapatid na Falcis sa kanyang post at sinagot ang pambabatikos ng ilang netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Base sa post ng talk show host at entertainment news writer na si Lolit Solis, ikinabigla niya ang balitang nakarating sa kanya na pati siya ay kakasuhan ni Nicko Falcis.

Ayon kay Manay Lolit, napapaisip na rin siyang magkonsulta sa mga kilala niyang abugado dahil sa balita gayunpaman ay balita pa lang naman daw.

Naisingit pa ni manay ang diumano'y nakalimutang ipadala ni Kris ang Christmas gift at gc nitong ipinangako sa kanya.

Naku Salve ha, tinawagan ako ni Mercy Lejarde at sinabi na balita daw kakasuhan ako ni Nicko Falcis. Bakit? Why? Hindi ko ma-understand. Gusto ko tuloy tawagan si. atty Norman Golez at Biboy Malaya para mag-consult, pero naisip ko balita pa lang naman. Naku talagang ako lagi hinahabol ng intriga, kahit hindi ako kasali bigla nadadamay ako. Sa edad na 72 sa May madi-demanda pa ako, grabe naman, huh huh. To think na nalimutan nga ni Kris Aquino ipadala ang christmas gift ko at ang promise niya na every three months supply ng gc ng S&R tapos may kaso pa ako. At I don’t know why ha? Kaya Salve dapat na talaga mag-meeting kami ni Atty. Norman at Atty. Biboy para mapayuhan ako sa aking gagawin at bakit ako nasali dito. Kris, bakit ako nasali? Cris Roque why? Bakit Leo Espinosa? Ay naku, me and my being so clueless huh huh. #lolitkulit #instatalk #71naako

Samantala, sinagot naman ng magkapatid na Falcis ang post na ito ni Lolit.

Ayon kay Jesus Falcis, si Lolit ang unang nagpangalan kay Nicko Falcis nang pumutok ang balita tungkol sa isyu nila ni Kris. Ginawan pa umano nito ng intriga

Damay damay na! Lolit Solis, nabalitaang idedemanda ni Nicko Falcis

Damay damay na! Lolit Solis, nabalitaang idedemanda ni Nicko Falcis
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Buwelta pa ni Nicko, dahil sa pagtanggap ni Lolit ng GC mula kay Kris ay posibleng isa siya sa paid journalists umano ni Kris.

Damay damay na! Lolit Solis, nabalitaang idedemanda ni Nicko Falcis

Damay damay na! Lolit Solis, nabalitaang idedemanda ni Nicko Falcis
Source: Instagram

Si Nicko ang project director ng KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions) at siya ring talent agent at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 buwan.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang kanilang isyu nang magsampa si Kris Aquino ng kaso laban sa kanya na sinagot naman ng kapatid ni Nicko na si Jesus sa pamamagitan ng isang presscon kung saan naiyak ito.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Sa naunang ulat ng KAMI, inilabas ni Nicko Falcis ang karagdagan diumanong ibedensiya na mapapatunay na aprubado ni Kris ang expenses nila sa Hong Kong trip nila.

POPULAR: Read more about Kris Aquino vs. Nicko Falcis here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel