Nicko Falcis, naglabas ng katunayan na aprubado ni Kris ang lahat ng HK expenses

Nicko Falcis, naglabas ng katunayan na aprubado ni Kris ang lahat ng HK expenses

- Muling naglabas ng mga "pruweba" si Nicko Falcis

- Ito ay upang linawin ang isyu tungkol sa isinampang kaso sa kanya ni Kris Aquino

- Giit ni Falcsi, lahat ng expenses nila sa Hong Kong ay aprubado ni Kris

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naglabas ng kanyang mga "ibedensiya" si Nicko Falcis upang panindigan ang kanyang mga naging pahayag tungkol sa mga naging akusasyyon sa kanya ng dating boss na si Kris Aquino.

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko sa Office of The Prosecutor sa pitong siyudad sa Metro Manila, noong October 12, 2018.

Ayon pa sa alegasyon ni Kris, gumasta si Nicko ng PHP1.2M gamit ang credit card na bigay sa kanya para sa gastusin ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) nang walang permiso mula sa kanya.

P32.27 million ang danyos na hinihingi ng multi media celebrity.

Gayunpaman, iginiit ni Falcis na pawang para sa KCAP ang mga ito at aprubado naman ni Kris diumano.

Sa kanyang post ay idinetalye ni Nicko ang diumano'y expenses nila sa Hong Kong.

Si Nicko ang project director ng KCAP at siya ring talent agent at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 buwan.

"THERE IS NO QUALIFIED THEFT, NOTHING WAS STOLEN. ALL THE ELEMENTS OF QUALIFIED THEFT ARE CLEARLY ABSENT.

"Case in Point: HONGKONG Expenses

"P551,700.59 are all HONGKONG Expenses to produce a series of her online webisodes (5Part Series of Sponsored Webisode for Cathay Pacific and Marco Polo Hotel and 2 Webisodes of her IFLIX Live Life with Kris)," ito ang nakasulat sa caption ng post ni Nicko.

Dagdag pa niya halos kalahati ng 1.2 M ay para sa kanyang mga kasama na umabot sa 16 katao.

"These expenses that is almost half (50%) of her P1.2M combined charges are mostly Plane Tickets and Hotel Accommodations for her 17-man entourage.

"Kris and her entourage also ate in all the restaurants mentioned, particularly Cheesecake Factory and Delicious Kitchen -- as seen in her webisodes.

"The rest are working meals for her entourage and production staff — complete with receipts, pictures and all forms of 'resibo'.

"Everyone knew, especially her paid entourage."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ipinakitang screenshots ni Nicko, nanggaling kay Kris ang detalyadong itinerary ng paglipad nila sa Hong Kong, para sa IFLIX Live Life webisode shoot, na may petsang July 13 to July 17, 2018.

Kabilang din sa kanyang ibinahagi ay screenshot ng text exchange nila ni Alvin, kung business class o premium economy class ang ibu-book nilang round-trip plane tickets.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang kanilang isyu nang magsampa si Kris Aquino ng kaso laban sa kanya na sinagot naman ng kapatid ni Nicko na si Jesus sa pamamagitan ng isang presscon kung saan naiyak ito.

"Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more about Kris Aquino vs. Nicko Falcis here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang allegedly gets offended on air because of Karylle’s joke

Ryan Bang allegedly gets offended on air because of Karylle’s joke

Ryan Bang allegedly gets offended on air because of Karylle’s joke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel