Simbahan sa Sulu, binulabog ng dalawang pagsabog

Simbahan sa Sulu, binulabog ng dalawang pagsabog

-Dalawang pagsabog ang naganap sa simbahan ng Our lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu

- 20 na ang kumpirmadong patay habang umabot na sa 81 ang sugatan kabilang na rito ang ilang sundalo at sibilyan

- Nangako ang Malacañang na matutugis ang mga nasa likod ng pagsabog na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabulabog ang Jolo, Sulu ng dalawang magkasunod na pagsabog ngayong Linggo, Enero 27.

Ayon sa ABS-CBN news, bandang 8:30 ng umaga naganap ang pagsabog sa kalagitnaan ng misa sa Our Lady of Mount Carmel.

Nalaman ng KAMI na habang umaapula ang pwersa ng gobyerno sa mga biktima, isa na naman pagsabog ang naganap sa parking area naman ng simbahan.

Sa naunang ulat ng Inquirer.net, 27 ang naitalang kumpirmadong patay. Ngunit binigyang linaw ito Chief Superintendent Graciano Mijares ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police na may mga nadobleng entry ng pangalan kaya ang tamang bilang ay 20 lamang.

Samantala, pumalo naman sa 81 ang sugatan kabilang na ang 14 na sundalo at 65 na sibilyan at dalawang pulis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglabas naman ng pahayag ang Malacañang na sisiguraduhin nilang mananagot ang mga nasa likod ng pagsabog na ito sa simbahang Katoliko.

"The Armed Forces of the Philippines will rise to the challenge and crush these godless criminals. We will pursue to the ends of the Earth the ruthless perpetrators behind this dastardly crime until every killer is brought to justice and put behind bars," ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Tinitingnana ang anggulo ng pagkaratipika ng BOL sa lugar ang isa sa posibleng dahilan ng pagsabog na ito.

Ngunit para kay National Security Adviser Jun Esperon, masyado pang maaga upang magbigay agad ng ganitong konklusyon.

"We have yet to establish if the two explosion are related to the all-important BOL," pahayag ni Esperon.

Paiigtingin din ang seguridad sa lugar gayundin ang kalapit lugar nito na Zamboanga at Basilan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel