Karen Gallman ng Pilipinas, hinirang na Miss Intercontinental 2018

Karen Gallman ng Pilipinas, hinirang na Miss Intercontinental 2018

- Nagwagi ang pambato ng Pilipinas na si Kren Gallman sa Miss Intercontinental 2019 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena noong Sabado, Enero 26

- Sa loob ng 47 taon, si Karen ang kauna-unahang Filipina na nasungkit ang titulo

- Tulad ni Miss Universe 2018, Catriona Gray, may adbokasiya rin si Karen ng pagtulong sa mga batang hirap sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng kasaysayan si Karen Gallman sa pagkakahirang niya bilang pinakabagong Miss Intercontinental 2018.

Si Karen ang kauna-unahang Pinay na nakoronahan ng ganitong titulo sa loob ng 47 taon ng pageant na ito. Ito raw marahil ang pinakamatagal na di pagkapanalo ng Pinay sa titulong nabanggit.

Ayon sa ABS-CBN, ginanap ang naturang kompetisyon sa SM MOA Arena noong Sabado, Enero 26.

Palaban at malaman ang sagot ni Karen patungkol sa depinisyon niya ng "sucess."

"For me, success is not just about winning in life.It is about setting goals, achieving your dreams, working hard for everything you want, and always looking up to God and be thankful for everything. For me, that is success," ang winning answer ng pambato ni Pinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinalo ni Karen ang isa sa malalakas din ang kumpiyansa na si Adriana Alvarado ng Costa Rica Laura Longauerova ng Slovak Republic na pawang nakatanggap din ng hiyawan at palakpakan sa kanilang mga sagot.

Pasok din sa top six ang pambato ng Colombia Vietnam at Ethopia. Pambato ng Costa Rica ang tinanghal na 1st runner up habang ang pambato naman ng Slovak Republic ang naging 2nd runner-up.

Sa pre-pageant pa lang, naging matunog na ang pangalan ni Karen na nakakahawig daw umano ni Kendal Jenner.

Tulad ni Miss Universe 2018, Catriona Gray, isa sa mga adbokasiya rin ni Karen ang pagtulong sa mga batas naghihikahos sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel