Isang pamilya, sapilitang pinababa ng eroplano dahil di umano sa kanilang kakaibang amoy

Isang pamilya, sapilitang pinababa ng eroplano dahil di umano sa kanilang kakaibang amoy

- Isang pamilya ang napababa ng eroplano ng wala sa oras dahil sa reklamo ng kanilang kapwa pasahero

- Ayon sa mga pasahero ng isang flight ng American Airlines, mayroon daw kakaibang amoy ang pamilya na anila'y di kayang maamoy

- Itinanggi naman ng pamilya na mayroon silang "body odor" at nais nilang malaman ang totong dahilan bakit sila sapilitang napababa sa eroplano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pamilya umano ang bigla na lamang pinababa ng eroplano dahil daw sa kakaiba nilang amoy.

Ayon sa Yahoo Philippines, lulan ang mag-anak na nakilalang sina Yossi at Jennie Adler kasama rin ang kanilang baby ng isang American Airlines flight mula Miami patungong Detroit.

Laking gulat na lamang nila nang bigla silang kinausap para pababain.

Nalaman ng KAMI na nang makalabas sa boarding gate, napag-alaman nilang nireklamo pala sila ng kapwa nila pasahero dahil di umano sa amoy nilang di ng mga ito matagalan.

Labis naman itong pinagtaka nina Yossi at Jennie dahil sa pagkakalam nila ay wala silang 'body odor.'

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaugnay nito, nagkaroon pa ng kaunting aberya sa mga gamit nila sa naturang flight na di agad nila nakuha. Binigyang linaw naman ito ng American Airlines at naibalik naman ang kanilang mga gamit na nailipad pa rin sa orihinal nilang flight.

Nilinaw din ng naturang Airlines na inisip lamang din nila ang kapakanan ng nakararaming pasahero kaya nila ito nagawa.

"They were asked to deplane after multiple passengers, along with our crew members and Miami airport team, were concerned about the comfort of our other passengers due to the odor. Our team members took care of the family by providing overnight accommodations and meals and rebooking them for the next available flight," pahayag ng American airlines sa Yahoo lifestyle.

Nang muli silang sumakay sa kanilang rescheduled flight, tinatanong na tuloy ng mag-anak kung sila nga ba talaga ay may kakaibang amoy para masigurong di na maulit ang naganap sa naunang flight.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Pinoy celebrity couples who decided to adopt kids

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel