Netizens, nanggagalaiti di umano sa galit sa mga dalagitang bully sa viral video

Netizens, nanggagalaiti di umano sa galit sa mga dalagitang bully sa viral video

- Nag-viral ang video ng pambubully ng mga dalagita sa kapwa nila estudyante

- Nagngingitngit sa galit di umano ang mga netizens na nakakita sa video lalo na ang mga magulang na naisip kung ganun na lamang ang gawin sa kanilang mga anak

- Naglabas din ng saloobin ang mga netizens na sana raw ay mabigyan ng karampatng leksyon ang mga kabataang ito upang di na muling umulit pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagulantang na naman ang social media sa panibagong viral video ng mga dalagitang nambully di umano sa kapwa nila estudyante.

Ayon sa post na binahagi ng Pilipinas Destination, makikitang naka-uniporme pa ang ilan sa mga kabataan kaya naman madaling natukoy ang paaralan nito na Rizal National High School sa Pasig city.

Nalaman ng KAMI na isang dalagita ang pinagtulungang murahin, sampalin, sampigahin, sabunutan ng mga kapwa niya estudyante na tinatayang may edad 14-16 taong gulang.

Halos mapasubsob na sa lupa ang biktima ng bullying nang sabunutan siya ng isa sa mga babae.

Makikita naman na walang laban ang biktima na ang tanging nagawa na lamang ay ang umiyak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, ualma ang karamihan sa mga netizens na nakapanood ng video. Maling mali raw umano ang ginawa ng mga dalagita.

Sakali mang dumepensa ang mga ito na nauna ang kanilang biktima sa paggawa ng di maganda, masama din naman na tama na sila ay gumanti sa ganoong paraan.

Narito ang halo-halong saloobin ng mga netizens:

"That's why I'm agree na ibaba sa 12 years old na edad na pd ng panagutin sa batas...isang Dahilan to...Masakit isipin kung bakit ganito ang attitude ng mga kabataan ngaun. .sa katulad qong ofw d nawawala saken ang paaalala sa anak qo na baka sapitin nya rin ang ganyang sitwasyon.."
"Sana may batas din para sa mga batang 12 yrs old to 18yrs old...may mga utak na yan to know whats good and not.....dpt natuturuan sila ng tamang leksyon kase if not madadala nila yan sa pagtanda...kung ngyri ito sa anak ko di ako papayag na di mabibigyan ng tamang parusa ang mga ganitong aksyon....hindi excuse and pagiging minor sa pag gaea ng msma."
"Yan ba ang gawain ng bata? Yan ba ang inosente at kailangan intindihin? Sa mga taong ipininganak ng 70's 80's sinu sa atin ang nakaisip gawin ito? Di ba wala!? So sa mga pagoody at epokrito na ayaw ibaba ang edad para managot sa batas."
"Kung anak q yang ginanyan nyo, bumalik na ulit kau sa sinapupunan ng nanay nyo,,, lalaplapin q mga anit nyo mga gagong bata"
"Grabi nmn to payat n nga pnagtulungan p...hayop tong mga kabataan ngaun dhl s batas ni kiko n polpol...kung aku magulang ng pnagsasampal...Magkamatayan tau"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica