Tiyuhin ng 12-anyos na ginilitan sa Caloocan, arestado, umamin na umano sa krimen

Tiyuhin ng 12-anyos na ginilitan sa Caloocan, arestado, umamin na umano sa krimen

- Naaresto na ang pangunahing suspek sa pagpatay ng 12-anyos na dalaga sa Caloocan

- Inaresto ang tiyuhin ng biktima na si Reynaldo Urbano kaugnay sa krimen

- Umamin na umano ang suspek nang ilang beses ayon sa pulisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Yumuyuko si Reynaldo Urbano nang arestuhin siya ng mga awtoridad kaugnay sa pagpatay sa 12-anyos na si Myrrhaquel Singson.

Nalaman ng KAMI na si Reynaldo ay tiyuhin ng biktima, kapatid ng kanyang ina.

Muder ang isinampang kaso kay Reynaldo at ayon pa sa ama ng biktima na si Colenso Singson, panggagahasa daw ang unang intensiyon ng tiyuhin.

Ayon sa report ng GMA, sinabi ng hepe ng Caloocan Police na si Sr. Supt. Restituto Arcangel, ilang beses daw umamin ang suspek.

Ang problema ay hindi sila makakuha ng extrajudicial confession dahil pabago-bago ang statements ni Reynaldo.

Nagawa daw niya iyon dahil sa galit niya sa tatay ng pamangkin.

Labis ang pagdadalamhati ng ina ni Myrrhaquel, lalung-lalo na at kapatid niya ang pangunahing suspek.

"The SOCO and the crime lab will tell the truth. Kung siya, let it be. Kung hindi, thank you Lord," sabi ni Raquilino Singson, ina ni Myrrhaquel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel