Part 5! OFW na pinagpalit si mister na tricycle driver at 5 anak, mga panlilinlang ni Sheerlyn sa kahuli-hulihang pagkakataon

Part 5! OFW na pinagpalit si mister na tricycle driver at 5 anak, mga panlilinlang ni Sheerlyn sa kahuli-hulihang pagkakataon

- Sa Part 5, inamin ni Sheerlyn na pagkatapos ng insidente sa OWWA, nag-video call pa sila ni Edwin sa piling mismo nina Charlie at mga anak nila

- Isiniwalat na rin ni Charlie na miyembro ng group chat ng pamilya ni Sheerlyn si Edwin at uuwi daw ito sa Pebrero at doon dederetso, kukunin ang basbas umano ng magulang ni Sheerlyn

- Nagmakaawa si Charlie kay Sheerlyn na ibalik ang isang anak sa kanya tulad ng pinag-usapan nila dahil simula noon di pa nagkakahiwalay ang magkakapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pagkatapos magwala ni Sheerlyn sa OWWA at magkaroon ng panahon na makapag-bonding silang pamilya, marami pang mga rebelasyon ang naganap.

Nalaman ng KAMI at inamin mismo ni Sheerlyn na nag-usap silang dalawa ni Edwin na naging sanhi na nagselos muli si Kuya Charlie.

Dun mismo kung saan sila nilagay ng Raffy Tulfo in Action na lugar, dun nagawa pang mag video call nina Sheerlyn at Edwin.

Hiningi pa ni Sheerlyn na sana huwag siyang husgahan ng mga tao dahil hindi rin daw siya ganun ka landing babae.

Bumalik si Sheerlyn sa GenSan kasama ang isang anak, na noo'y napagkasunduan nila ni Charlie na ibabalik sa huli.

Ang apat na bata naman ay naiwan kasama si Charlie. Nang makausap si Kuya, dito na niya isiniwalat ang iba pang mga bagay na nadiskubre niya.

Miyembro umano ng group chat ng pamilya ni Sheerlyn si Edwin at may plano itong umuwi sa Pebrero, dederetso dun kina Sheerlyn para makuha ang basbas ng mga magulang nito.

Ang pinakamasakit na nagpaiyak nang todo kay kuya sa huli ay nag-text si Sheerlyn na di na ibabalik ang isang anak kay Charlie.

Nagsusumamo si Charlie na ibalik sa kanya ang bata dahil ayaw niyang magkawatak-watak ang magkakapatid dahil simula noon pa ma'y di sila nagkakahiwalay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Panoorin ang mga mainit na kaganapan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel