Idol Raffy, sobrang natuwa sa mag-asawang umiidolo sa kanya; Tulong niya, umapaw

Idol Raffy, sobrang natuwa sa mag-asawang umiidolo sa kanya; Tulong niya, umapaw

-Hindi napigil ni Raffy Tulfo ang kanyang damdamin sa sobrang tuwang naramdaman para sa mag-asawang umiidolo sa kanya

-Dumulog ang anak ng mga ito upang ihingi ng tulong ang dalawa dahil sa kanilang karamdaman

-Ngunit higit pa roon ang matatanggap nila dahil sa ligayang inihatid ng mga ito kay idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi reklamo kundi saya ang inihatid ng isang kasambahay sa programang Wanted sa Radyo.

Kahit pa nga paghingi ng tulong ang sadya ng dalagang si Eliza Calintang, nakapaghatid naman ito ng tuwa kay Raffy Tulfo.

Humingi ng tulong si Eliza para sa kanyang mga magulang na sila Eledio Calintang, 76-anyos at Loreta Calintang, 67-anyos.

Aniya, parehong may karamdaman ang dalawa at pabalik-balik na sa ospital. Sa katunayan, nang tawagan ng programa si tatay Eledio ay nasa ospital ito.

Ngunit ang labis na ikinagulat ni Tulfo ay nang makita ang kanyang larawan na nakadikit sa pinto ng bahay ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento ni Eliza, palaging pinapanood at nakikinig ang mga magulang ng mga programa ni idol Raffy.

At iniidolo ng mga ito ang sikat na host katunayan na ang larawan nito na nakadikit pa sa pinto.

Kaya naman labis na tuwa ang naramdaman ni Tulfo sa kanyang mga nalaman at nakita.

Higit siyang nakaramdam ng galak dahil tila bahagi na siya ng buhay ng mag-asawa.

Kaya naman umapaw din ang tulong na ipaaabot niya para sa mga ito. Bukod sa pangakong tulong-pinansyal at nangako din ito ng mga pasalubong para sa mag-asawang Calintang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel