Magandang Buhay momshie-host Karla Estrada, never naging insecure sa kanyang katawan

Magandang Buhay momshie-host Karla Estrada, never naging insecure sa kanyang katawan

- Sa episode ng lifestyle-morning talk show noong January 23, ipinaliwanag ni momshie-host Karla Estrada kung bakit never siya naging insecure sa kanyang katawan

- Ipinaliwanag umano ng Queen Mother ang dahilan na kailanman ay hindi siya nagkaroon ng insecurities sa katawan

- Dahil isang napakagandang rason daw ang paglaki niya, at ito nga ay pagkakaroon ng apat ng anak at ang isa nga rito ay si Daniel Padilla

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa January 23, Miyerkules, napag-alaman ng KAMI na ipinaliwanag ng Magandang Buhay momshie-host na si Karla Estrada kung bakit hindi raw kailanman nagkaroon siya ng insecurities sa kanyang katawan.

Pahayag pa umano ni Karla matapos maikwento ng isa sa kanilang guests na si Ria Atayde ang "constant struggle" daw nito noon tungkol sa kanyang mga insecurities sa kanyang katawan:

"Ako, hindi ako mayabang sa ganyan ha... Pero, kailangan kong aminin na hindi kailanman ako na-insecure. Kasi ang aking paglaki ay dahil sa panganganak ko. So, napakaganda ng rason."

Kaugnay rito ay nagbahagi pa raw si Karla ng payo para sa mga taong mayroong insecurities sa kanilang katawan:

"Pero kasi walang dapat ika-insecure. Kailangan kasing kilalanin mo muna ang sarili mo. Hindi naman sila ang magsasabi kung sino kang tao, ikaw lang 'yon. So wala sa panglabas na anyo ‘yun. You have to love yourself."

Dugtong pa ni momshie Karla:

"May certain age, daanan talaga 'yon, lalo na pag teenagers. Kasi siyempre ‘yung peer pressure, lalo na sa school. Kaya dapat tayong mga magulang lagi tayong nakaalalay talaga 24/7 sa ating mga anak. Na sa atin pa lang ramdam na nila ‘yung solid na pagmamahal."

Si Karla Estrada ay may apat na anak at ang isa rito ay ang Teen King na si Daniel Padilla, na anak niya sa dating karelasyon na si Rommel Padilla.

Isa si Karla sa mga single and strong parents na kilala sa showbiz.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalake, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel