Raffy Tulfo at MSWD Head sa Leyte mainit na nagkasagutan on air

Raffy Tulfo at MSWD Head sa Leyte mainit na nagkasagutan on air

-Sa kasong child abuse kaugnay ng reklamong idinulog sa programang Aksyon nagsimula ang mainit na sagutan sa ni Raffy Tulfo at ng MSWD Head sa Leyte

-On Air ang sagutan ng dalawa matapos na hindi sang-ayunan ng Head si Tulfo kaugnay sa pananakit ng isang ama sa mga anak kahit pa may ebidensya naman

-Hindi matanggap ni Tulfo na tila mas kinakampihan pa nito ang lalaking inirereklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi matanggap ni Raffy Tulfo ang naging pahayag at pag-analisa ng MSWD Head sa Leyte na si Aida Paner kaugnay sa kasong idinulog sa kanila ng isang OFW na si Lorna Viscaro.

Una nang naibalita ng KAMI ang biglaang pag-uwi ng OFW dahil sa pananakit at pangaabuso ng kanyang kinakasama sa kanilang mga anak.

Sa isang larawan na ipinakita sa programa, makikita ang isang bata habang sakal-sakal ng isang kamay ng lalaki at tila hirap na hirap.

Inamin naman ng lalaking inirereklamo na si Ronacin Nicanor na siya nga gumawa niyon sa bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman hindi matanggap ni Raffy Tulfo ang naging pahayag ni Paner at tila dinedepensahan pa nito ang inirereklamo.

Ayon kay Paner, base sa kanilang assessment, maayos ang relasyon ng mga bata sa kanilang ama. Taliwas sa idinulog ng OFW na ina ng mga bata.

Dito na nagsimula ang mainit na sagutan sa pagitan ng dalawa nang hindi ito sang-ayunan ni Tulfo dahil na rin sa ebidensyang ipinakita ng ina.

Dagdag pa ni Paner, kinausap niya ang mga batang biktima umano at mula doon ay napag-alamang wala naman umanong makikitang epekto ng pang-aabuso.

Napatayo pa sa inis si Tulfo dahil sa mga pahayag ni Paner at hindi na nakapagpigil pa.

Ani Tulfo marapat lamang na palitan sa pwesto si Paner at idudulog niya ito sa Mayor ng lugar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel