14 anyos na inakusahan ng panggagahasa ng kapwa niya menor, binatikos pa ng mga netizens

14 anyos na inakusahan ng panggagahasa ng kapwa niya menor, binatikos pa ng mga netizens

- Isang 14 taong gulang na binatilyo ang arestado sa di umano'y panggagahasa sa isang 13 anyos na dalagita

- Nagsumbong ang biktima sa ina na dumulog naman sa pulisya ng Baseco Compound

- Enero 21 naganap ang krimen ngunit nakapagsumbong ang biktima at naaresto ang suspek ng Enero 24

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 14 anyos ang naaresto sa panggagahasa ng kapwa niya menor de edad na dalagita sa Baseco Compound.

Ayon sa inquirer.net, nagsumbong ang 13 anyos na dalagita sa kanyang ina na di umano ay nagahasa siya noong Enero 21 bandang alas otso ng gabi.

Dumulog ang mag-ina sa Baseco Police Community Precinct upang humingi ng tulong na masakote ang gumawa ng kahalayan sa anak.

Agad namang umapula ang Manila Police district at naaresto ang binatilyo bandang 5:15 ng hapon sa Baseco compound.

Nalaman ng KAMI na naidulog na sa Manila Prosecutors Office ang kaso para sa maayos na pagsusuri.

Ayon kay Supt. Igmeldio Bernaldez ng Ermita Police Station, nasa kustodiya pa ng pulisya ang binatilyo ngunit ilalagak din ito sa Department of Social Welfare and Development dahil sa ito'y menor de edad pa lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, dahil umano sa ganitong klaseng isyu, umigting ang diskusyon sa mga netizens kung dapat nga bang ibaba ang edad ng maari nang maikulong.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Alam nating mali ang rapedahil mga adults na tayo. Pero ang isa batang 14 anyos na out of school at walang parental guidance eh hindi pa alam na mali ang ginagawa niya. Kaya sa halip na ikulong, ilagay dapat sya sa pangangalaga ng isang foster family na magtuturo sa kanya na magbagong buhay."
"Biktima nalang po mag adjust ha. Nakakahiya Naman kasi menor edad pa yung suspect."
"Youre too focused on the accused.. What about the victim?? Kung anak nyo ang narape ng 14 yr old na yan?? Tignan natin kung kaya nyo sabihin,di pwedeng ikulong ang gumawa kase minor de edad!! My god!"
"Wag ikulong kc menor de edad! Biktima lang din yan! wag sirain ang future ngrapist"
"Sige ipalabas pa kase sa tv ung mga puro kapabebehan sa tv kaya walang natututunan ang mga bata ngayon eh."
" Yan ang epekto ng social media at internet...... Noong 80's at 90's ang alam namin larong kalye, aral, basketball, text, saranggola, etc. 6pm nasa loob na kami ng bahay."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel