19-anyos patay dahil umano sa droga sa Sinulog party, BF nito person of interest

19-anyos patay dahil umano sa droga sa Sinulog party, BF nito person of interest

-Nobyo at mga kaibigan ng dalagang namatay dahil sa dru9 overd0se ang 'persons of interest' sa nasabing kaso

-Namatay ang dalaga noong Linggo matapos itong isugod nang bigla na lamang mag-collapse sa Sinulog party

-Naninindigan ang pamilya ng dalaga na hindi ito adik at nananawagan sa publiko na huwag itong husgahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sabado ng gabi, Enero 19 sa Sinulog party nang mag-collapse ang dalagang si Ashley Abad, 19-anyos.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, uminom umano ang dalaga ng party dru9 ecst@sy.

Hindi na ipinakita ng pamilya ang death certificate ng dalaga ngunit ayon sa inisyal na imbestigasyon, dru9 overd0se ang ikinamatay nito.

Ayon sa tiyuhin ng biktima, posibleng may naglagay ng droga sa inumin ng kanyang pamangkin.

Naninindigan ang pamilya na hindi adik ang dalaga at nananawagan sa publiko na huwag itong husgahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasalukuyan, ang nobyo nito at mga kaibigan ang 'persons of interest' ng kaso dahil ang mga ito ang kasama ng dalaga nang mangyari ang insidente.

Hinahanap pa rin ang mga ito upang mabigyang-linaw ang nangyari ayon kay Philippine National Police Region 7 director Chief Superintendent Debold Sinas.

Naisugod pa ang dalaga sa ospital ngunit nasawi rin ng sumunod na araw, Linggo.

Nais naman ng Philippine Dru9 Enforcement Agency (PDEA) na isailalim sa autopsy ang bangkay ng dalaga upang malaman kung dru9 overd0se talaga ang ikinamatay nito.

"Marami kasing klase ang tinatawag nating party dru9s. Ecst@sy ba? Usually ang trend nga ay hinahalo-halo pa iyan sa ibang klase ng dru9s," sabi ni PDEA Region 7 director Wardley Getalia.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel