"Hindi siya horror," Barbie Forteza sa mga haka-haka tungkol sa Kara Mia

"Hindi siya horror," Barbie Forteza sa mga haka-haka tungkol sa Kara Mia

- Naging usap-usapan ngayon ang bagong Kapuso teleserye na Kara Mia, na ayon pa kay Barbie Forteza ay isang fantaserye na may romance umano

- Dahil sa kakaibang istorya nito at tila pagkagulantang at pagkawindang na siguro ng mga netizens tungkol sa mga karakter ay maraming memes ang naglabasan sa social media

- Isa na rito ay ang pagkatakot ng iba dahil sa hitsura ng mga bida at ang iba naman ay ginawan ng nakakatawang mga memes kaya naman may paglilinaw na ginawa si Barbie

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na may ginawang paglilinaw ang Kapuso actress at isa sa mga bida sa bagong teleserye ng network, ang Kara Mia, na si Barbie Forteza.

Ito ay tungkol sa maraming haka-haka diumano base na rin siguro sa mga naglalabasan na reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Ani pa ni Barbie sa press launch ng naturang TV series, na hindi raw ito nakakatakot o nakakatawa, sa balita na una naming naispatan sa Balitambayan ng GMA.

Bagkos raw, ito ay isang fantaserye na may kunting romance umano.

"We would like to clear out lang na pambata 'yung istorya namin, hindi siya horror, hindi siya comedy. Fantaserye na may romance."

Una na naming ibinahagi ang reaksyon nina Barbie at Mika sa mga memes na nagkalat sa social media.

Sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang gaganap sa bidang karakter na Kara Mia.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'

Mga 'kalaro' umano niya ang nagligtas sa kanya, kwento ng batang nakaligtas sa sunog

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel