Mister vinivideo-call si ate OFW, pinapakita pano niya sinasaktan mga bata, dahil sa pagseselos

Mister vinivideo-call si ate OFW, pinapakita pano niya sinasaktan mga bata, dahil sa pagseselos

- Biglaang napauwi sa Pilipinas si Lorna Viscaro dahil sa pananakit ng asawa niya sa mga anak nilang 5 at 6 na taong gulang

- Ang dahilan umano ng kanyang pananakit sa mga bata ay ang matinding pagseselos sa asawa, pinapaamin daw siya na may ibang lalake sa HongKong

- Vinivideo call niya si ate at pinapakitang sinasaktan ang mga anak, meron ding picture siyan kinuha na sinasakal ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Lorna Viscaro, isang OFW sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action dahil sa pananakit ng kanyang asawa sa kanilang dalawang anak.

Nalaman ng KAMI na ginagawa Ronacin Nicanor ang pananakit sa mga bata ay dahil sa pagseselos niya sa asawa.

Sabi ni Lorna may binata daw silang kasama sa pinagtatrabahuan sa Hong Kong at ayaw niyang lumabas si Lorna kasama sa amo.

Buong araw, kahit na nagtatrabaho, gusto ni Ronacin na nakavideo call sila. Pagdating ng gabi, dito na niya ipapakita sa asawang sinasaktan niya ang mga bata.

Noong January 16, isang oras daw na pinalo ni Ronacin ang mga bata, at lahat ay nasasaksihan ni misis sa video call.

Ang ginagamit daw ni Ronacin ay ang kawayan na pantukod sa bintana, at isang buong oras na iyon pinapalo niya ang mga bata.

Kahit na ang amo ni Lorna ay naawa sa sitwasyon ng mga bata kay pinayagan niya si Lorna na umuwi ng Pinas at maayos ang sitwasyon ng mga anak.

Nakausap ni Raffy Tulfo si Ronacin at dito inamin niya na nasakal niya ang bata dahil sa galit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care muna for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel