Video ng mga asong "nagdarasal" bago kumain, nag-viral

Video ng mga asong "nagdarasal" bago kumain, nag-viral

- Viral ngayon ang video ng tatlong aso na nakamamanghang tila nagdarasal nga bago kumain

- Maayos na naturuan at nadisiplina ng amo ang mga aso na sumusunod nga sa kanya sa simpleng senyas lamang

- Umabot na sa halos 500,000 views ang naturang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang video ng mga asong "nagdarasal" daw bago sila kumain.

Binahagi ng netizen na si Lito Saguisag ang nakamamanghang video na ito ng kanyang mga alaga na maayos niyang naturuan at nadisiplina.

Sa una, mapapansing maligalig ang mga aso habang hinahanda ang kanilang pagkain ng amo.

Sa simpleng senyas lamang ng kamay, sumunod ang mga aso na huwag muna kakain dahil sa isa-isa pang binibigay ni Lito ang kainan nito sa loob ng kada kulungan.

Maya maya pa ay nagbigkas na ng dasal bago kumain ang amo at tahimik lang ang kanyang mga alaga na animo'y nakikipagdasal nga bago sunggaban ang kanilang pagkain.

Kaya naman nilagay na caption ni Lito ang "Uy magpray naman tayo bago kumain, sila nga o nag pray.."

Umabot na sa halos 500,000 views ang orihinal na post at nai-share na rin ng iba pang netizens sa aliw sa mga asong ito.

https://web.facebook.com/lito.saguisag/videos/2035102319872252/UzpfSTEwMDAyMjY5NDcyMDM0NzpWSzo4NDMyNDgxNjkzNDI2MjY/

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa video:

"nice nakakatuwa"
"you're great"
"Buti pa ang mga asong to, marunong magdasal at sumunod"
"Nakakagood vibes naman... pati aso tinuruan magdasal. God bless you"
"Sana lhat ng amo gaya ni kuya para wala ng asong kinakatay"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel