Sanggol, biglang tumigil sa paghinga nang mabulunan habang pinapasuso ng ina

Sanggol, biglang tumigil sa paghinga nang mabulunan habang pinapasuso ng ina

-Kahit na nurse si Victoria Dawson hindi pa rin naiwasang mataranta siya nang minsang mabulunan ang kanyang sanggol habang pinapasuso ito

-Aniya, agad daw nagkulay gray ang kanyang baby kaya naman takot na takot siya

-Agad silang tumawag ng tulong at bilang nurse nagawan niyang lapatan ang anak ng paunang lunas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bigla na lamang daw tumigil sa paghinga ang baby ni Victoria Dawson, 30 taong gulang at isang nurse sa Ruskington, Lincolnshire habang pinapasuso niya ito.

Kwento ni Victoria, nagsimula muna itong umubo na tila nabubulunan. Nang tignan niya ito, laking takot niya nang makitang nagkulay gray na ang bata at tila lantang gulay na.

Sanggol, biglang tumigil sa paghinga nang mabulunan habang pinapasuso ng ina

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

At kahit na isa siyang nurse nataranta pa rin siya at nagsisigaw upang tawagin ang asawa na agad naman daw tumawag ng tulong.

“Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ni Eddie para malaman ko kung mayroon pang gatas doon, wala akong nakita pero alam ko nabulunan sa gatas ko si Eddie.

Kaya tinatapik-tapik ko ng matigas ang kaniyang likod pero walang nagbago, matamlay at namumutla parin siya. Mula sa pagkukulay dilaw dahil may jaundice siya nagkulay grey si Eddie” sabi pa ni Victoria, ayon sa report ng The Asianparent.

Nang makita umano niyang hindi na talaga humihinga ang baby niya ay agad niya itong nilapatan ng mouth to mouth resuscitation.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantalang ang papuntang mga medics ay pinayuhan ang ginang na bigyan naman ito ng cardio-pulmonary resuscitation o CPR.

“May malaking gap sa bawat paghinga niya kaya hindi parin ako kampante hanggang hindi pa dumarating ang mga paramedics. Parang napakatagal ng oras pero halos isang minuto lang ang nagdaan ng dumating sila” kwento pa ni Victoria.

Agad naman itong binigyan ng oxygen nang dumating na ang mga medis at isinugod na sa ospital.

Sanggol, biglang tumigil sa paghinga nang mabulunan habang pinapasuso ng ina

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gogo's saucy birthday: Grandma celebrates centenary with male dancers

Gogo's saucy birthday: Grandma celebrates centenary with male dancers

Gogo's saucy birthday: Grandma celebrates centenary with male dancers
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel