Batugang 33-anyos na anak, nananakit, naninira ng gamit kung di bibigyan ng pera ng ina

Batugang 33-anyos na anak, nananakit, naninira ng gamit kung di bibigyan ng pera ng ina

- Isang ina ang dumulog sa Raffy Tulfo at inireklamo ang anak niyang nananakit at naninira ng gamit

- Ganito daw po ang ginagawa ng anak niya sa tuwing may hinihingi sa kanya at wala siyang maibigay

- Sa loob ng maraming taon na tinaguyod niya ang anak, di na niya nakayanan ngayon at nagpapatulong mapaalis ito sa bahay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action dahil sa kanyang anak na nananakit, naninira ng gamit at nagmumura.

Nalaman ng KAMI na 33-anyos na ang anak ni Remedios Guese at ito'y walang trabaho. Umaasa lang sa konting negosyo ng ina.

Ayon kay Aling Remedios, ilang beses nang naninira ng gamit ang anak sa tuwing may hinihiling sa kanya at di niya maibigay tulad ng pera.

Ang pinakahuling insidente, sinira niya ang pinto ng kuwartso ng kanyang 13-anyos na pamangkin dahil akala daw niya ay di siya binubuksan ng bata, pero yung bata ay wala naman talaga sa kuwarto.

Kuwento pa ni Aling Remedios, minsang naghuramentado ang anak ay tinawag niya ang ama upang awatin ito. Sabi niya, sa kanila lang nagwawala ang anak pero hindi naman nang-aano ng ibang tao.

Bagamat hindi naman niya nakitang gumagamit ng bawal na gamot, pero alm niya gumagamit daw ito.

Nang makausap ni Raffy ang anak ni Remedios na si Beng, sinabi niyang nakaalis na siya sa bahay ng ina.

Pero di nagtapos dito dahil sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ng ina, sinisi pa niya ito kung bakit nagpakamatay daw ang kapatid niya pero sabi ni Raffy, naka-droga iyon at mabilis maging depressed.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel