Robin Padilla, di pwede sa pulitika dahil baka daw may mabugbog siya sa Senado

Robin Padilla, di pwede sa pulitika dahil baka daw may mabugbog siya sa Senado

- Sa grand presscon ng bagong pelikula ni Robin Padilla na pinamagatang 'Bato, The Gen. Ronald Dela Rosa Story' ay nagbigay pahayag ang aktor sa planong pagpasok sa pulitika

- Isa sa binoto ng taong bayan sa survey na posibleng manalo para senador sa 2019 mid-term-elections na ginawa noong isang taon ay si Binoy

- Pero pagdidiin ni Robin di daw sya pwede dahil si Rommel lang ang tatakbo at ayaw niya ang political dynasty bukod pa sa walang pasensya sya, na baka makabugbog pa daw siya sa Senado

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na nasagap ng team ng KAMI, hindi daw nakikita ng 49-year-old Kapamilya aktor at dating judge ng PGT na si Robin Padilla na tatakbo siya ng kahit anumang posisyon sa gobyerno.

Sa panayam ng PEP, sa grand presscon para sa bagong pelikula nya sa taong ito, na pinamagatang 'Bato, The Gen. Ronald Dela Rosa Story' ay tinanong si Binoy tungkol sa pagtakbo sa pulitika.

Kahit nasa number 13 pa umano siya sa listahan ng isang survey para sa mga posibleng manalo na senador sa 2019-mid-term elections noong isang taon ay hind daw talaga nagawi sa kanyang isipan ang tumakbo sa senado.

Ani pa ni Robin:

“Isa lang po ang pulitiko sa pamilya—si Rommel na yun," pagtukoy niya sa kapatid na si Rommel Padilla, na tatakbong congressman sa first district ng Nueva Ecija."

Ipinaliwanag niya na laban siya sa political dynasty umano, kaya naman, saad pa niya:

“Mahirap naman yung ako mismo di ka susunod. Practice what you preach."

Pagpapatuloy pa ni Binoy, tama na daw ang kanyang kuya Rommel Padilla sa pamilya na pumasok sa pulitika.

Tatakbo daw na congressman si Rommel.

Biro pa na pahayag ni Robin, hindi raw siya pwede sa pulitika dahil wala umano siyang pasensya.

Sambit pa niya:

"Kailangan dun [sa Senado] mapagpasensiyang tao. Gusto niyo ba may binubugbog ako sa Senate?”

Si Robin Padilla ang gaganap sa buhay ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, sa pelikula na pinamagatang 'Bato, The Gen. Ronald Dela Rosa Story.'

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel