Sanggol, himalang nabuhay 11 minuto matapos ideklarang patay na

Sanggol, himalang nabuhay 11 minuto matapos ideklarang patay na

-Himalang maituturing ang muling paghinga ng isang sanggol matapos ang 11 minuto mula nang ideklara itong patay na

-Dahil dito, napag-alamang mayroon pala itong sakit sa puso

-Ang ina naman ng bata ay mayroon ding karamdaman at dalawang beses nang nalaglagan ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matagumpay na naisilang ang sanggol na si Ramaya Wilkinson sa kabila ng pagiging pre-mature nito.

Ayon sa report ng The Asianparent, 28 weeks pa lamang ito sa sinapupunan ng kanyang ina nang kinailangan nang sumailalim ang ginang sa c-section dahil tumigil na ang paggalaw nito sa loob ng tiyan.

Ngunit sa kasamaang-palad ay nagkaroon ang ina nito ng sepsis kung kaya naman tatlong linggo pa ang lumipas bago nahawakan ng ginang ang kanyang munting anghel.

Nang sumapit naman ang araw ng pagkikita ng mag-ina ay bigla na lamang daw nanglambot ang sanggol at nawalan ng hininga.

Agad na ni-revive ang bata at swerteng nabuhay muli matapos itong ideklarang patay na. Dahil dito, kinailangang kabitan ito ng kung ng mga machine para masiguro ang kaligtasan ng bata.

Linggo-linggo rin itong kailangang ipa-check up upang ma-monitor ang lagay niya.

Si baby Ramaya ay nagkaroon ng sakit na apnea, ito ay isang karamdaman kung saan bigla na lang tumitigl ang paghinga ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nadiskubre din ng mga doktor na ito ay mayroong butas sa puso.Napag-alaman na ang ina ni baby Ramaya sa dalawang beses nang nalaglagan ng baby dahil sa kalagayan nito.

Mayroon itong kondisyon na tinatawag na antiphospholipid syndrome na nagiging sanhi ng blood clots, at pagkakaroon ng miscarriage.

Kaya naman lubos na mapanganib din dito nang ipagbuntis niya si baby Ramaya at iminungkahi pa umano ng doktor na ipalaglag na lamang sana si Ramaya.

Ngunit sa pagpupursige ng ginang ay naisilang niya ang batang si Ramaya.

Sanggol, himalang nabuhay 11 minuto matapos ideklarang patay na

Photo source: The Asianparent / Baby Ramaya and her mother Emma
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Seaman na nahulog sa barko, himalang nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Seaman na nahulog sa barko, himalang nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel