Mister 'di nagbigay sustento, deadma pa sa anak nila! Misis na OFW, nanggigil

Mister 'di nagbigay sustento, deadma pa sa anak nila! Misis na OFW, nanggigil

-Nagharap ang mag-asawang si Mario at Marilou Alvarez sa programang Wanted sa Radyo dahil na rin sa reklamo ni Marilou laban sa asawa

-Matagal na umanong nagpatawad si Marilou ngunit ang hindi nito matanggap ay ang pangbabalewala ng asawa sa kanilang anak

-Nang makausap naman ang bata ay tila masama pa rin ang loob nito sa ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Una nang dumulog sa programang Aksyon ang overseas Filipino worker (OFW) na si Marilou Alvarez upang ireklamo ang asawa.

Matagal na silang hiwalay at hindi ito nagbigay ng sustento sa kanila kahit na may anak silang dalawa.

Ngunit kamakailan lamang ay hindi na napigil ni Marilou ang sama ng loob matapos masaktan ang kanilang anak nang tila binalewala ito ni Mario.

Nang magharap ang dalawa sa Wanted sa Radyo ay hindi na napigilan pa ang magsumbatan ng dalawa kaugnay ng kanilang paghihiwalay.

Depensa ni Mario, inundayan umano siya ng saksak ni Marilou bago sila maghiwalay. Selosa din umano ito kaya naman madalas na silang mag-away noon.

Ito rin umano ang umalis at hindi na nagparamdam pa sa kanya.

Sa kasalukuyan ay may bago na itong kinakasama at mayroon nang dalawang anak dito.

Giit naman ni Marilou, sabongero at babaero si Mario. Madalas din umano itong magsinungaling sa kanya kapag tatawag siya mula sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa nito, dinepensahan lang niya ang sarili kaya niya naundayan ng saksak ang lalaki. Buntis na daw siya nang mga panahong iyon at sinakal pa siya ng lalaki.

Kaya naman nais niyang makulong ito ngayon. At ayon sa batas, posibleng makulong nga ito dahila na rin hanggang ngayon ay kasal pa ito kay Marilou.

Sinubukan pa silang pag0ayusin ni Raffy Tulfo sa pamamagitan ng kanilang anak na si Axel ngunit maging ito ay masama ang loob sa ama.

Sabi pa ni Axel ay tila hindi siya minahal ng ama dahil na rin sa mga ipinakita nitong pangbabalewala sa kanya.

Doon na bumigay si Marilou na hindi napigilang mapaluha.

Sa huli, nagkasundo ang dalawa na mag-usap muna bago magpasya ng tuluyan si Marilou kung itutuloy pa ang kaso laban sa asawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel