18 anyos na lalaki, sinabuyan ng asido ng baklang pinsan pa nito dahil sa "selos"

18 anyos na lalaki, sinabuyan ng asido ng baklang pinsan pa nito dahil sa "selos"

- Di na makilala ang 18 taong gulang na si Ryan nang sabuyan umano ito ng asido ng inakala niya noon na isang babae

- Sa pagkalap nila ng impormasyon ukol sa kaso ni Ryan, napag-alaman na di pala babae ang gumawa nito kay Ryan kundi isang lalaki at kamag-anak pa nito

- Nakilala ang suspek na si Mike na hinihinalang may gusto kay Ryan kahit pa kamag-anak niya ito at nagselos umano ito dahil sa iba na ang lagi nitong kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang iglap, nagbago na ang buhay ng isang 18 taong gulang na binatilyong si Ryan Costales nang sabuyan umano ito ng asido habang naglalakad lamang siya kasama ang kaibigang si Zacharee Marzan.

Ayon sa Kapuso mo Jessica Soho, Oktubre ng nakaraang taon ang naganap ang malagim na pangyayari sa buhay ni Ryan kung saan isang inakala nilang babae ang walang awang sinabuyan siya ng asido.

Halos hindi na makilala si Ryan sa sinapit nitong pagkalapnos dahil sa mukha talaga ang tinamaan sa kanya.

Base sa imbestigasyon at ayon na rin sa mga saksi sa pangyayari, hindi babae kundi isang binabae ang suspek sa kaso ni Ryan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kwento ng testigo na si mang Honesto Gapasin Jr. nakita niya ang isang nagdamit babae sa bakantaeng lote na nagpapalit.

Nang puntahan nga ng mga pulis ang tinurong bakanteng lote ni Mang Honesto, naroon ang damit pambabae, wig at bonet at maging ang susi ng motor na siyang ginamit di umano ng suspek sa pagsasawa ng krimen.

Dahil sa rebelasyon ng saksi, natunton ng mga pulis ang suspek na may lapnos na pareho ng sa biktima.

Mas lalong bumigata ang ebidensya laban sa suspek nang sabihin nitong nawawala ang susi ng kayang motor.

Nag-match ang susi ng motor sa sasakyang pagma-may-ari ng suspek na nakuha sa lugar kung saan nakuha ang iba pang gamit nito.

Laking gulat nila nang malamang ang pinsan pala ni Ryan na si 'Mike' ang tinuturong sumawa nito sa binatilyo.

Maging ang mga magulang ni Ryan ay kumbinsido na maaring si Mike nga talaga ang gumawa nito sa kanilang anak dahil sa selos.

Kwento ng mismong mga magulang ng biktima, napapansin nilang bagaman at magpinsan ang dalawa, tila iba ang trato ni Mike kay Ryan.

At simula nang mapabarkada na si Ryan kay Zacharee, tila nagselos ang pinsan dahil di na siya madalas makasama nito.

Kalunos-lunos talaga ang sinapit ng binatilyo kaya naman humihingi ng tulong ang kanilang pamilya na labis na masama ang loob sa ginawang ito ng mismo pa nilang kamag-anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel