11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
- Huli ang ina ng 11 taong gulang na bata sa paggamit nito sa anak bilang front sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot
- Walang nagawa ang bata kundi ang umiyak nang arestuhin ang kanyang ina ng mga pulis
- Laging kasama ng ina ang kanyang anak sa pagbebenta at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot upang di siya mahalata sa kung anuman ang ginagawang transakyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Walang nagawa kundi ang mapaiyak na lamang ang 11 anyos na bata nang arestuhin ang ina niyang sangkot sa bentahan ng droga sa Bacoor, Cavite.
Ayon sa GMA news, dawit ang bata sa pagkakaaresto sa ina dahil sa lagi umano itong kasama ng suspek maging sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
"Parang cover itong bata eh para hindi siguro mapaghinalaan, lalo na ngayon na ongoing 'yung mga Comelec checkpoint natin dyan, kung ma-checkpoint siya dyan may kasamang bata, hindi rin siya mapaghihinalaan o mapagdududahan," ayon sa hepe ng Bacoor Police na si Police Superintendent Vic Cabatingan.
Nakilala ang suspek na si Nafisah Borah at nakuha sa kanyang sasakyan ang high grade na shabu na tinatayang nasa ₱142,000.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon pa sa imbestigasyon, sa kung saan saang lugar nakakarating ang mag-ina sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Sa kabila ng mga nakuhang ebidensya ay mariin pa riin itinaggi ni Nafisah ang alegasyon laban sa kanya.
Samantala, nilagak pansamantala ang anak nito sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.
Base sa datos, tinatayang nasa 1,800 na ang bilang ng mga batang kinakasangkapan sa mga iligal na trasaksyon ng droga mula pa noong taong 2016.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh