Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid

Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid

- Bumisita ang dating Pinoy Big Brother housemate at Big Winner na si Maymay Entrata sa Magandang Buhay

- Tinanong siya nina momshie Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros kung ano raw ang kanyang inaasahan 10 years from now

- Dito ay isiniwalat niya na sa isang dekada mula ngayon daw ay tapos na ang kanyang pinapagawang bahay para sa pamilya at pati ang pinag-aaral na mga pinsan at kapatid sa Japan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lahat tayo ay mayroong mga pangarap at layunin sa buhay at kaugnay rito ay ibinahagi ng dating housemate sa Bahay ni Kuya at Big Winner na si Maymay Entrata ang kanyang mithiin at hinahangaad.

Sa pagsagot niya sa mga katanungan ng mga Magandang Buhay momshies ay napag-alaman ng KAMI kung ano ang mga ito na talaga namang hinangaan ng mga netizens.

Tinanong naman nina momshies Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, kung ano ba raw ang nakikita niya 10 years from now.

Sinagot naman ito ni Maymay, na siguro tapos na ang bahay na pinapagawa niya at makapagtapos na ng pag-aaral ang tatlo niyang pinsan at ang bunsong kapatid niya na nasa Japan.

Umulan naman ng papuri mula sa mga netizens sa Facebook at YouTube page ng ABS-CBN para kay Maymay.

"Pinagpapala ang mga taong mababait."
"Napakabait mo talaga Maymay."
"Share the blessings that you receive and it will come back a hundred fold. God bless you more Maymay.."
"Thinking how blessed she is. Now, she's sharing her blessings to her cousins..."
"Napaka inspiring mo. Modelo ka ng kabataan"
"Maganda na outside, maganda pa inside. Kaya napakablessed kasi ang bait!"

Si Maymay Entrata ay ang isa sa bumubuo ng MayWard team kasama si Edward Barber.

Sina Maymay at Edward ay ang mga dating housemates sa PBB at si Maymay ang naging Big Winner para sa 7th season ng show at si Edward naman ang 4th placer.

POPULAR: Read more news about Maymay Entrata here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel