OFW vs mga biyenan! Apong spoiled kila lola, ayaw sumama sa sariling ama

OFW vs mga biyenan! Apong spoiled kila lola, ayaw sumama sa sariling ama

-Lumapit ang biyenan ng isang OFW sa Wanted sa Radyo upang humingi ng tulong sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa dalawang anak

-Giit naman ng OFW, dapat na nasa poder niya ang mga anak para siya'y magbigay ng sustento para sa mga bata

-Ilang isyu rin ang naungkat sa paghaharap ng mag-biyenan kaugnay na rin sa relasyon ng OFW sa yumaong asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Problema sa sustento ang idinulog ng mag-asawang Pedrito at Marlyn Quizon sa kanilang mga apo.

Inirereklamo nila ang ama ng mga bata na si Markk Anthony Tiongco, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai.

Ayon sa mag-asawa, hindi nagbibigay ng sustento si Tiongco para sa mga bata. Pumanaw na rin ang kanilang anak na ina ng mga ito.

Ngunit giit ni Tiongco, dapat na nasa poder niya ang mga anak para siya'y magpadala sa mga ito lalo pa at yumao na ang kanyang asawa.

Depensa naman ng mag-asawamg Quizon, ibinigay na nila ang mga bata sa poder ng mga kaanak ni Tiongco ngunit bumalik ang mga ito dahil pinagmamalupitan sila ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sagot naman ng OFW, dinidisiplina lamang ang bata, partikular na ang panganay na isang dalagita na umano'y nakikipagrelasyon na sa kabila ng batang edad.

Hindi lamang ito sanay na dinidisplina dahil na rin spoiled sa mga kinalakihang lolo at lola.

Ngunit bukod rito, ilang isyu rin ang naungkat ng mga nagrereklamo, ayon kay Marlyn, babaero daw ang kanyang manugang at labis na nagdusa ang kanilang anak sa piling ng asawa.

Bagay na itinaggi naman ni Tiongco.

Ngunit sa huli, kay Tionco pa rin mapupunta ang kustodiya ng mga bata ayon na rin sa batas at napagkasunduan naman ito sa programa.

Humingi na rin ng tawad at nagpasalamat si Tiongco sa kanyang mga biyenan sa pag-aalaga ng mga ito sa kanyang mga anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel