Live audience ng Wowowin, patay nang mahulog habang nagsasayaw sa studio

Live audience ng Wowowin, patay nang mahulog habang nagsasayaw sa studio

-Patay ang isang live audience ng programang Wowowin nang mahulog ito sa bleacher ng studio ng nasabing programa

-Ayon sa nakasaksi, nagsasayaw daw ang audience nang mahulog ito kasama ng iba pa at tumama ang ulo sa fire extinguisher

-Naglabas naman ng statement ang WBR Entertainment at ang GMA Network kaugnay ng nasabing insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasawi ang isang live audience ng programang Wowowin habang ito ay nagsasayaw sa opening ng nasabing programa habang isa naman ang sugatan.

Ayon sa report ng GMA News, nangyari ang insidente noong Enero 22, 2019 bandang 5:25 ng hapon sa studio ng programa.

Kinilala ang sugatan na si Milagros Espiritu at ang nasawi naman ay si Estrella Bognot.

Sa report ng GMA News, sa isang statement sinabi ni Security Marshal Roel Batang na nasaksihan ang insidente, na nawalan ng balanse ang dalawa habang nagsasayaw para sa opening act ng programa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nahulog ang mga ito mula bleachers ng studio. Nagkaroon ng fracture si Espiritu habang si Bognot naman ay tumama ang ulo sa fire extinguisher.

Agad naman daw itong nilapatan ng paunang lunas ng in-house paramedic ng WBR Entertainment ay naisugod sa Delgado Hospital.

Samantala, naglabas na ng joint statement ang WBR Entertainment at GMA Network kaugnay ng insidente at nangako ng tulong sa mga naulila.

Nakikiramay ang KAMI sa pamilya ng nasawi.

Audience ng Wowowin, patay nang mahulog habang nagsasayaw

Photo source: GMA News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel