Magkaibigan, natangayan ng P3.5M ng estafadorang retokada

Magkaibigan, natangayan ng P3.5M ng estafadorang retokada

-Umabot umano sa P3.5 million ang natangay ng babaeng si Hazel Payuran mula sa magkaibigang si Juliewil Tan at Ronel Ivan Gumatay

-Reklamo ng dalawa, hindi na nagpakita pa sa kanila si Payuran sa kabila ng kanilang usapan sa investment nila

-Nakarating pa sa kanila na ipinanglaro lang umano ni Payuran ang kanilang pera sa casino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumataginting na P3.5 million ang hinahabol ngayon ng magkaibigang Juliewil Tan at Ronel Ivan Gumatay mula sa babaeng si Hazel Payuran.

Ayon sa kwento ng dalawa, nag-invest umano sila para sa financing sa casino. Una umano nilang naibigay ay P2.5 million ngunit iginiit ni Payuran na kulang umano ito para makapagbukas ng account.

Kaya naman ibinigay na rin umano ni Tan ang kanyang relong Rolex at ipinabenta rito sa halagang P1.5 million, pero naibenta lamang daw ito sa halagang P800,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nangako umano si Payuran na tutubo ang kanilang pera ng P45,000 kada buwan ngunit bigla na lamang daw itong naglaho.

Naka-block na rin umano sila dito.

Kaya naman nagsampa ng kaso ang magkaibigan at nagkita pa umano sila sa NBI at nag-issue ito ng mga tseke.

Ngunit lahat ng ibinigay nito ay tumalbog kaya naman ang magkaibigan humingi na ng tulong sa programang Bitag ni Ben Tulfo.

Nakarating din sa kanila na ipinanglaro lamang umano ni Payuran sa casino ang kanilang pera.

Ibinunyag na rin ng dalawa na ang suspek na kanilang hinahabol ay isang retokada!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel