Part 2! Two timer na lalaki, hinarap ang bagyong dala ni Misis

Part 2! Two timer na lalaki, hinarap ang bagyong dala ni Misis

-Nagharap na sa wakas at nagkasingilan na rin ang lalaking inireklamo dahil sa pagtanagay sa lahas versus live-in partner nito

-Dumulog sa programang Wanted sa Radyo ang ginang upang ireklamo ang kinakasama na ginamit ang pera niya sa nobya nito

-Nang magharap, hindi mapigilan ng ginang na alalahanin ang mga kabutihang nagawa niya para sa lalaking minahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karugtong ng reklamo ng ginang na si Precy Torres noong nakaraang linggo sa Wanted sa Radyo, nagharap na sila sa wakas ng inirereklamong karelasyon na si Herman Mayo.

Unang naibalita ng KAMI ang reklamo ni Torres kaugnay sa pagtangay ni Mayo sa kanyang mga alahas at pera na ginamit nito sa nobya nito sa ibang lugar.

Kaya naman humingi siya ng tulong sa programa upang mabawi ang mga alahas at pera mula kay Mayo.

Ngunit nang magharap ang dalawa, napag-alamang naisanla na pala ni Mayo ang mga alahas.

Inamin rin nito na nagkaroon nga ito ng ibang nobya habang karelasyon pa si Torres. Habang ang mga pera namang nahiram niya dito ginamit umano nito sa mga biniling makinarya na nasa lugar kung nasaan ang kanyang bagong nobya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi rin nito na hiwalay na sila ng babae nang malaman nitong mayroon na pala siyang kinaksama sa Maynila na si Torres.

Nangako naman itong babayaran ang lahat ng nakuha mula kay Torres. Humingi rin ito ng tawad sa babae.

Ngunit tila hindi pa handa ang ginang na magpatawad. Inalala pa nito ang mga bagay na nagawa niya para sa lalaking minahal.

Maging ang pag-intindi ng kanyang mga anak sa mga umano'y kasinungalingan ni Mayo ay tinanggap nila.

Ganunpaman, sa tulong ni Raffy Tulfo at ng programa, sinikap ng mga ito na maayos ang dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel