Yayamanin! Toni Gonzaga, Seve, at Paul Soriano, sinolo ang mamahaling resort

Yayamanin! Toni Gonzaga, Seve, at Paul Soriano, sinolo ang mamahaling resort

- Last January 20, nagdiwang ng kanyang 35th birthday ang Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga

- Bongga naman ang mga sorpresa mula sa kanyang mga Kapamilya at lalong lalo na kay Big Brother

- Pagkatapos ng selebrasyon kasama ang kani-kanilang pamilya ni Paul Soriano ay bakasyon engrande naman ang family of 3 sa mamahaling resort sa Palawan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa 20 years sa showbiz ng Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga ay marami na nga siyang blessings na natanggap sa iba't ibang media kaya nga nabigyan siya ng naturang titulo.

Kaya naman sa pagsapit ng kanyang 35th birthday, noong January 20, milyon-milyon ang bumati sa kanya sa kanyang kaarawan at halos lahat ng produksyon ng Kapamilya ay ginawan siya ng magandang pagbati at regalo.

Pero tila di nagtatapos rito ang pagdiriwang dahil spotted ng KAMI ang pagbahagi ng PBB Otso host at Home Sweetie Home lead star sa kanyang Instagram stories sa kanilang bakasyon engrande.

Yayamanin at sosyalin talaga si Celestine Gonzaga-Soriano o mas kilala sa showbiz bilang si Toni Gonzaga dahil solong-solo nila ni Direk Paul Soriano at unico hijo nila na si Seve ang mamahaling resort na ito sa Palawan.

Ayon na rin sa mga komento at hitsura ng lugar, nasa Amanpulo ang pamilya Gonzaga-Soriano bilang parte ng kaarawan ni Toni Gonzaga.

Matatandaan na unang pumunta sina Paul Soriano at Toni Gonzaga sa Amanpulo noong honeymoone nila.

At ngayon ay kasama na nila ang kanilang one and only son na si Seve, na nagpasaya sa mga puso ng mga manonood at sa mga netizens dahil sa ka-cute-tan nang sinorpresa ni Kuya si Toni sa PBB Otso.

Sa naturang video ay ibinahagi rin ni Toni na mag-uupload na rin siya ng first vlog niya sa bagong YouTube channel niya ang Celestine Gonzaga-Soriano.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel