Part 2: Ground crew ng PAL na humiwalay kay driver na mister dahil sa piloto

Part 2: Ground crew ng PAL na humiwalay kay driver na mister dahil sa piloto

- Marami pang mga bagong pasabog ang nangyari sa pagitan ng ground crew ng PAL at ni kuyang driver

- Dito na nalaman na hinold pala ni kuya yung passport ni ate dahil daw baka umalis lang kasama ang lalake

- Sinunog din ni kuya lahat ng mga orihinal na mga dokumento (birth certificate etc), kontrata at manual ni ate sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sukdulan hanggang langit ang galit ni ateng ground crew na si April May kay kuyang driver Felimon.

Nalaman ng KAMI na kahit na anong effort ni Kuya Raffy na magkaayos ang dalawa, talagang nanggagalaiti sa galit si April kay Felimon.

Maraming mga akusasyon ang ibinato ni April kay kuya tulad ng pagbasag ng cellphone na pinakakaingatan niya, pati na ang pagsanla ng cellphone ni kuya para may pambayad kuryente ang kapatid.

"Nagsanla siya ng cellphone niya para ibayad sa kuryente ng kapatid niya, hindi para sa pamilya niya! Sinungaling!"

Isa rin ito sa pinaghuhugutan ni April dahil feeling niya eh mas tinutulungan pa ni kuya ang kapatid at magulang kaysa sarili niyang pamilya.

"Ang lakas mong tumulong sa kapatid mo pero sarili mong pamilya, hindi mo maitayo!"

Dumating na rin sa punto na inalok sila ni Raffy Tulfo sa booth ng Raffy Tulfo in Action na mag second honeymoon, pero todo tanggi si ate.

Kahit sa Sydney, Australia o New York pa daw, ayaw na niya talaga. Natawa na lamang si Raffy.

"Sino ba ang hindi mawawalan ng pagmamahal kung patuloy mo akong pinagbibintangan nsa mga kasalanang hindi ko ginawa!"

Dahil wala na ring magagawa pa, minabuti nang sa barangay na lang magkaayos ang dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally addresses his rumored issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel