Video ng misis na bait-baitan matapos 'talakan' ang mister, umabot na sa 3.8 million views

Video ng misis na bait-baitan matapos 'talakan' ang mister, umabot na sa 3.8 million views

- Viral ngayon ang video ng misis na tila tinatalakan ang asawang 'lasing' at galing sa sugal

- Maraming netizens ang natuwa sa video dahil sa pagpapakita umano ng ika nga ay "happy wife"

- Pumalo na sa 2.5 million views ang orihinal na post na binahagi ni Francheska Tanay Diaz at 3.8 million views na nang binahagi ito g Pilipino star bilang bahagi ng #GoodVibesNGAYON

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang tuwa ang mga netizens sa viral video na binahagi ng netizen na si Francheska Tanay Diaz.

Makikita sa video na tila kinakastigo at tinatalakan ng misis ang kanyang mister na nag-iinom at galing pa umano sa sugalan.

Sa umpisa mapapansing naglalabas ng sama ng loob ang misis sa mister na galing sa sabungan. Maya maya pa ay naglabas na ng pitaka ang mister at dumukot ng pera.

Inabot ito sa misis na nagtanong para saan ang pera. Siya na rin ang sumagot sa sarili at sinabing nanalo ang asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila nakulangan pa ang misis sa inabot ng mister kaya patuloy pa rin ang pagtalak nito sa sa asawa. Muling naglabas ng pitaka ang mister at nag-abot muli ng pera sa misis.

Matapos ang pangatlong pag-abot ng pera ng mister, biglang naiba ang ihip ng hangin at biglang bumait ang misis. Tinanong pa nito kung ano pa ang gusto ng mister. Pinagtagay pa niya ito ng iniinom na alak at sinabing tawagin lamang siya nito kung may kailangan siya.

Dahil sa nakakatuwang video na ito pumalo na sa 2.5 million views ang naturang video ni Franchesca. At dahil sa ito ay nag-viral naibahagi rin ito ng Pilipino star ngayon sa kanilang #GoodVibesNGAYON kung saan umabot na ito sa mahigit 3.8 million views.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel