Babaeng nakilala sa pag-akyat ng bundok ng nakabikini, pumanaw dahil sa tindi ng lamig sa Taiwan

Babaeng nakilala sa pag-akyat ng bundok ng nakabikini, pumanaw dahil sa tindi ng lamig sa Taiwan

- Pumanaw na ang tinaguriang "BikiniHiker" na si Gigi Wu dahil sa di kinayang tindi ng lamig sa Taiwan

- Kilala si Gigi sa pag-akyat nito ng mga bundok ng nakabikini lamang at nagkataong mag-isa pa siya sa kanyang hiking sa Taiwan

- Nahulog si Gigi dahilan upang magkaroon siya ng injury at di makaalis sa kanyang kinalalagyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nalungkot ang pamilya at mga kaibigan gayundin ang mga tagasubaybay ng "BikiniHiker" na si Gigi Wu.

Ayon sa Yahoo Philippines, pumanaw ang kilalang hiker na ito sa mismong gawain na gustong guto niya, ang umakyat ng bundok.

Mag-isa lamang umakyat si Gigi sa Taiwan's Yushan National Park. Ayon sa mga mga nagrescue sa labi ng 36 taong gulang na hiker, nahulog umano ito sa 65 feet na bangin.

Dahil dito nagkaroon siya ng malubhang pisikal na pinsala sa katawan. Bagaman at hirap sa kanyang kalagayan, nagawa pa umano nitong makagawa ng tawag upang humingi ng saklolo gamit ang kanyang satellite phone.

Nasabi pa niya sa kanyang kaibigan na tinawagan na hindi siya makagalaw at bukod dito at matindi na ang lamig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinadala ng National Airborne Service Corps ang Black Hawk helicopters upang i-rescue si Gigi ngunit dala ng panahon, di basta basta ang isinagawang search sa labi.

Sa tagal ng pagkakapirmi ni Gigi dahil sa di ito makagalaw, pumanaw sa tindi ng lamig si Gigi.

Nilinaw naman ng South China Morning Post na naka-normal hiking gear naman daw si Gigi ngunit nagpapalit ito ngbikini pag narating na niya ang tuktok ng bundok na kanyang inaakyat.

Si Gigi ang popular sa instagram sa pangalan niyang barefootbikinihiker sa instagram.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel