Gurong nireklamo ng pangmomolestiya at pananakit, aktibo pa ring nagtuturo

Gurong nireklamo ng pangmomolestiya at pananakit, aktibo pa ring nagtuturo

- Dumulog ang pitong grade 4 students at kanilang mga magulang sa Public attorney's office (PAO) dahil di umano sa pagnmomolestiya at pananakit ng kanilang guro noong grade 2

- Sinalaysay ng mga magulang ng bata ang ginawa sa kanilang mga anak ng gurong kinilalang si Arceli Maris ng Kaparangan Elementary School sa Orani, Bataan

- Sa kabila ng mga akusasyon, aktibong nagtuturo pa rin umano ang guro dahil sa kakulangan ng ebidensya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog ang pitong ngayo'y Grade 4 students sa Public Attorney's office upang humingi ng tulong dahil sa umano'y pangmomolestiya at pananakit ng guro nilang babae noong grade pa sila.

Ayon sa ABS-CBN news, kasama ng mga bata ang kani-kanilang mga magulang na siyang nagreklamo sa guro ng kanilang mga anak na nakilalang si Arceli Maris na nagtuturo sa Kaparangan Elementary School sa Orani, Bataan.

Kasama rin sa inireklamo ng mga magulang ang kapatid ni Arceli na si Goido Fabian.

Umabot kasi sa punto na nagkasugat pa umano ang maselang bahagi ng mga bata dahil sa pananakit sa mga ito.

Kwento ng isang magulang, sinabunutan, kinurot, pinagpapalo ng ruler at kinulong pa sa cr ang mga bata. Sa palikuran nagawa pa raw ilublob ng guro ang mukha ng bata sa timba na may dumi ng tao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa namang magulang ang nagsalaysay na pinatanggal pa umano ng guro ang palda ng estudyante saka itinapon sa likurang bahagi ng klase.

Pinapulot pa raw ito ng guro sa bata gamit ang kanyang bibig. Pati raw underwear nito ay nagawa ring ipatanggal.

Naganap daw ang mga ito noon pang Grade 2 ang mga bata. ngayon, nasa ikaapat na baitang na sila.

Nobyembre ng nakaraang taon, kinakitaan ng probable cause ng Provincial Prosecutor's Office ng Bataan at iaakyat na sa korte ang seven counts ng child abuse kay Arceli habang six counts ng child abuse at four counts ngrape laban naman sa kapatid nitong si Goido.

Ngunit parehong itinanggi ng dalawa ang paratang. Anila, gawa-gawa lamang umano ng mga magulang ang mga bata.

Na-dismiss ang kasong administratibo sa dibisyon at regional office ng Department of Education sa Bataan dahil sa kakulangan sa matibay na ebidensya matapos ang masusing imbestigasyon.

Dahil dito, aktibo pa ring nakakapagturo ang guro magpasahanggang ngayon.

"There were no evidences against the accused," ayon kay Beatriz Torno, direktor ng DepEd sa Central Luzon.

Sa kabila ng mga ito, hinihiling pa rin ng mga magulang mga bata na matanggalan ng lisensya ang guro upang tuluyan na itong di makapagturo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel