Be faithful! PBB Otso housemate Andre, hinangaan sa kanyang payo kay Abi na umamin na may gusto sa kanya

Be faithful! PBB Otso housemate Andre, hinangaan sa kanyang payo kay Abi na umamin na may gusto sa kanya

- Wagi sa puso ng mga manonood ang payo ni PBB Otso housemate Andre Brouilllette sa kapwa housemate nito na si Abi Kasseim

- Ito raw ay pagkatapos ng di inaasahan na pag-amin umano ng huli sa kanyang feelings sa nauna

- Kaugnay nito ay humingi ng payo si Abi kay Andre kung ano raw ang kanyang gagawin tungkol sa kanyang feelings na may boyfriend siya sa labas ng Bahay ni Kuya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Viral na naman ang PBB Otso dahil sa eksena sa pagitan nina housemates Andre Brouilllette at Abi Kasseim.

Sa video na spotted ng KAMI na umabot na sa mahigit isang milyong views sa Facebook page ng Pinoy Big Brother, habang nag-uusap ng masinsinan ang dalawa sa poolside ay di inasahan ang pag-amin ni Abi na may gusto siya kay Andre.

Kaugnay ng kanyang pag-amin ay humingi siya ng payo dito kung ano raw ang kanyang gagawin na may boyfriend raw siya sa labas ng Bahay ng Kuya.

Inamin naman ni Andre na 'mutual' naman daw ang feeling pero hindi naman nagpadala ang binata sa confession ni Abi.

Sa halip, sinabihan niya si Abi na isiping muli ang kanyang nararamdaman at alalahanin na ang buhay nila sa loob ng bahay ay panandalian lamang.

Pahiwatig pa ni Andre na maraming mga bagay ang posibleng magbago sa oras na lalabas na sila sa Bahay ni Kuya.

Ani ni Andre:

“Don't make any decisions too quick. And I believe the right decision is being faithful."

Dugtong pa nito:

"Just know it's a mutual understanding and life in here is temporary and life goes on."

Pagpapatuloy pa ni Andre:

"But honestly, of everybody here I can say anything I want to you. But then again, we have to realize that life in here is temporary. So we have to make mature decisions. I think it's good that we talked about this."

Bumuhos naman ang pagkabilib ng mga netizens kay Andre.

"'I guess the best decision is to be faithful.' - Andre"
"Someone who's mature enough to know his limits and respect other's relationship. Andre just proved that he's more than just a pretty face."
"Yung marunong rumespeto sa relasyon ng may relasyon"

Ibinahagi namin kamakailan lang ang pagtanggap ng Pinoy Big Brother ng YouTube 'Gold Play Button,' na kauna-unahan sa lahat ng Big Brother franchise.

POPULAR: Read more news about PBB Otso here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pulis, nagmalasakit mag-iwan ng nasa ₱5,200 bilang tip

Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress

Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel