Turista, patay matapos mahulugan ng bintana ng 1 hotel sa HK

Turista, patay matapos mahulugan ng bintana ng 1 hotel sa HK

-Hindi na nakaligtas pa ang isang turista sa Hong Kong matapos itong mahulugan ng bintana ng isang hotel doon

-Sugatan naman ang kasama nitong lalaki

-Sa inisyal na imbestigasyon, nililinis ang bintanang nahulog at posible umanong pinilit itong buksan kung kaya naman nahulog ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naisugod pa sa ospital ngunit hindi na nakaligtas pa ang isang babaeng turista mula sa Mainland China matapos itong mahulugan ng bintana mula sa The Mira Hotel sa Hong Kong.

Ang kasama nitong kaibigan ay tinaman rin ng nahulog na bintana ngunit ito ay nakaligtas. Nagtamo lamang ito ng ilang galos.

Nangyari ang insidente noong Lunes sa Tsim Sha Tsui shopping district.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, posibleng sapilitang binuksan ng taga-linis ang bintana na maaari lamang mabuksan sa pamamagitan ng special key.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"We believe that the cleaner tried to open the window, and the window immediately fell after she opened it," sabi ni police officer Chan Ka-ying, ayon sa report ng GMA News.

Inaresto ang empleyado ng nasabing hotel ngunit nakapag-piyansa rin noong Martes at inaasahang mag-report sa Pebrero.

Wala pang pahayag ang hotel ngunit ayon sa report ay makikipagtulungan naman ito sa mga awtoridad.

Turista, patay matapos mahulugan ng bintana ng 1 hotel sa HK

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How Many 'N' Letters Are There In 'Cinnamon'? Name the country starting with "Y". Who wrote bestseller The Da Vinci Code? Check out a series of new tricky questions! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Seaman na nahulog sa barko, himalang nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel