Sobra naman! Grade 4 student, sinampal at sinakal umano ng guro dahil wala siyang bolpen

Sobra naman! Grade 4 student, sinampal at sinakal umano ng guro dahil wala siyang bolpen

- Isang Grade 4 student ang nagsumbong ng pananakit ng guro sa kanya dahil hindi siya nakadala ng bolpen sa klase

- Sinampal at sinakal siya umano ng kanyang guro nang malaman na wala siyang bolpen

- Saksi ang mga kaklase niya sa nangyari, at sabi pa nga ng isa niyang kaklase ay "sinuntok" daw ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsumbong ang isang Grade 4 na estudyante sa magulang niya pagkatapos niyang dumanas ng pananakit mula sa kanyang guro.

Nalaman ng KAMI na sinampal umano ang bata sa loob ng classroom sa isang paaralan sa Tondo, Maynila dahil siya'y hindi nakapagdala ng bolpen sa klase.

Di lang iyan umano ang nangyari, dahil batay sa kuwento ng bata, sinakal pa siya umano ng guro at dinikdik sa bakal.

Saksi din ang ibang kaklase ng bata sa kaganapan dahil sa report ng GMA, ang isa niyang kaklase ay dinescribe ang nangyari na "sakal" at may "suntok" pa daw.

Sa nasabi ding report bakas pa raw sa pisngi at batok ng bata ang umano'y marka ng pananakit.

"Sinakal po ako at sinampal habang dinidikdik po ako sa bakal. Wala po kasi akong ballpen, tapos bibili ako ng ballpen, ayaw niya po ako palabasin. Natulog na lang po ako tapos paggising ko po, nagche-check na po, bigla na

lang akong sinampal t'saka sinakal," sabi ng estudyante.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nangyari ang di kanais-nais na insidente noong Martes. Wala na rin daw ang nasabing guro at principal nang puntahan ng GMA ang paaralan.

Naiulat din sa KAMI na kamakailan lang ay isa namang baby ang sinasaktan ng yaya at ito'y nakunan ng CCTV.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel