OFW na minalas at pinabayaan ng asawa, nakapagpundar ng sariling bahay

OFW na minalas at pinabayaan ng asawa, nakapagpundar ng sariling bahay

-Labis na pagdurusa ang inabot ng ating kababayang OFW sa kanyang mga minahal

-Bukod kasi sa iniwanan na siya, iniwan na rin sa kanya ang responsibilidad sa kanilang mga anak

-Kaya naman nang mabigyan ng pagkakataong makapag-trabaho sa ibang bansa ay ginawa niya ang lahat upang mabawi ang nawala sa kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

18 taong gulang pa lamang si Alliana nang magsimula siyang magmahal, tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon ngunit iniwan lamang siya nito basta sa ere.

Ang masaklap pa, nabuntis siya nito at naiwan na sa kanya ang responsibilidad na buhayin ang bata sa sinapupunan.

Ganunpaman, nagawa niyang itaguyod ang bata sa kabila ng batang edad niya.

Makalipas ang tatlong taon, may nakilala siyang lalaki at may nangyari sa kanila. Nalaman ito ng kanyang mga kaanak at kahit na sapilitan sa panig ng lalaki, nagsama sa sila.

Simula pa lamang ng kanilang relasyon nila, naramdaman na niya ang hirap sa pakikisama rito.

Sa kabila nito, minahal niya ang pangalawang lalaking minahal.

Nagawa niyang bilihan ito ng mga gamit na kahit sarili niya ay hindi pa nararanasan. Nang mag-taraining ito para maging security guard ay sinuportahan niya ang lalaki kahit siya mismo ay hirap na.

Nagsakripisyo siya kahit na maging ang mga anak niya ay napabayaan na niya. Nagkaroon siya ng dalawang anak dito.

OFW na minalas at pinabayaan ng asawa, nakapagpundar ng sariling bahay

Image source: Alliana FB
Source: UGC

Ngunit hindin pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Nang maging ganap na sekyu ito at madestino sa ibang lugar ay pinabayaan na sila ng lalaki.

Dumating ang panahon na dahil sa hirap ay namayat na siya ng husto. Nagpasya siyang tumigil sa trabaho at sumunod na lamang sa kinakasama.

Dito mas naranasan niya ang hirap sa pakikisama dito. Nagawa siyang saktan nito. Naranasan niyang suntukin, kagatin at buhusan ng kape sa mukha nito.

Tiniis niya ang lahat ng ito dala na rin ng pagmamahal sa lalaki.

Nagagawa silang iwanan nito sa lugar na iyon tanging lampara lamang ang ilaw at walang sinumang kakilala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang makapag-isip siya, pumasok sa isipan niya ang ideya ng pagiging OFW. Nag-apply siya sa kabila ng takot na hindi makapasa dahil sa sakit na goiter at enlargement of heart.

Nagdasal daw si Alliana sa Panginoon na matagal na niyang nakalimutan. At tila isang himala, walang sakit na na-detect sa kanya.

Dito, nagsimula ang kanyang bagong buhay. At kahit pa hindi naging madali ang simula ng kanyang laban, sinikap niyang magpakatatag para sa sarili at para na rin sa mga anak.

Sa ksalukuyan ay mahigit dalawang taon na siyang naninilbihan sa kanyang amo na maswerteng mabait.

Malapit na rin siyang umuwi sa bansa upang saksihan ang graduation ng kanyang dalawang anak.

Ang kanyang panganay na anak ay nasa kolehiyo na rin.

Samantala, isang lalaki na rin ang kanyang nakilala na nagpabalik daw sa kanyang pananampalataya sa Panginoon.

Mas bata man daw ito sa kanya ng 10 taon ay hinahangad niyang ito na ang nakalaan sa kanya.

OFW na minalas at pinabayaan ng asawa, nakapagpundar ng sariling bahay

Image source: Alliana FB
Source: UGC

OFW na minalas at pinabayaan ng asawa, nakapagpundar ng sariling bahay

Image source: Alliana FB
Source: UGC

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag

Lalaking nahulog mula sa 1 barko, nakaligtas matapos makakita ng liwanag
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel