Mag-asawang nag-utos sa kasambahay na buhusan ang sarili ng mainit na tubig, guilty

Mag-asawang nag-utos sa kasambahay na buhusan ang sarili ng mainit na tubig, guilty

- Inireklamo ng Myamar national na kasambahay ang kanyang Singaporean na mag-asawa sa pang-aabuso ng mga ito sa kanya

- Di lang isa kundi makailang ulit siyang inabuso ng mag-asawa na kadalasan ay inuutusan siyang saktan ang sarili

- Sisintensyahan ang mag-asawang sina Linda Seah Lei Sie at asawang si Lim Toon Leng sa Pebrero 11

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang Myanmar national na kasambahay sa kamay ng kanyang mga amo na Singaporean kung saan makailang beses na siyang inabuso at di pa pinasasahod.

Ayon sa Inquirer.net nakilala ang kasambahay na si Ms Phyu Phyu Mar na inireklamo na ang mapang-abuso niyang mga amo.

$700 o nasa 27,000php kada buwan sana ang sahod ng kasambahay ngunit kailanman at di siya nabyaran ng mag-asawa. Natanggap lamang ang sahod nang nakipag-ugnayan na si Phyu sa Ministry of Manpower.

Bumagsak din mula sa 50 kilos hanggang 38 kilos ang timbang ni Phyu dahil di rin siya pinakakain ng maayos sa pinapasukan.

Noong Agosto hanggang Oktubre 2016 pa naganap ang pang-aabuso ngunit tumagal ang kaso magpasa-hanggang ngayon. Namasukan siya mula Pebreo hanggang Oktubre ng naturang taon.

Depensa ng babaeng amo ni Phyu na si Linda Seah Lei Sie, may kabagalan daw kumilos ang kasambahay kaya madalas niya umano itong mapagalitan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, tinakot di umano ni Linda si Phyu na ang hawak niyang mainit na tubig ay ibubuhos sa kanya at sasabihing si Phyu ang may gawa nito. Kaya naman sa takot, sinunod niya si Linda na ibuhos sa katawan niya ang mainit na tubig sa kanyang katawan.

Ang masaklap pa, imbis na dalhin sa ospital ang kasambahay na puro lapnos na dala ng mainit na tubig, binigyan pa umano ito ni Linda ng karayom at sinabi nitong putukin nalmang niya ang mga naglobong tubig sa balat nito.

Isa pang pang-abuso ni Linda ay ang madalas na paghablot sa buhok ng katulong at pagpukpok ng cellphone nito sa ulo ni Phyu.

Nagawa rin ng mga amo na painumin ng maruming tubig si Phyu. Sa takot, ay sinunod pa rin nito ang kanyang mga amo.

Isa sa mga huling nagawang pang-aabuso ng mag-asawa kay Phyu ay nang sapakin ni Lim ang kasambahay sa ulo sa pag-aakalang tinapon nito ang kanyang salamin.

Nakapagpiyansa ang mag-asawang negosyante na "guilty' ngunit nakatakda silang sintensyahan sa Pebrero 11.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel