Raffy Tulfo at OWWA, mabilisang umaksyon sa pagligtas sa OFW na inabuso sa Saudi

Raffy Tulfo at OWWA, mabilisang umaksyon sa pagligtas sa OFW na inabuso sa Saudi

-Agarang inaksyunan ng programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo at ng OWWA ang kaso ng OFW na binugbog ng among Syrian

-Sa isang larawang ipinakita ng programa, makikitang puno ng pasa at namamaga pa ang mukha ng OFW na nasa Dammam

-Maging ang agency na may hawak sa OFW, nakatikim kay Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na inaksyunan ng programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo ang paghingi ng tulong ni Juvelyn Paquiding kaugnay sa kanyang kapatid na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Dammam, sa Saudi.

Sa isang larawan ipinakita ng programa ang naging kalagayan ng OFW. Makikitang puno ng pasa at namamaga pa ang muka nito.

Binugbog daw kasi ito ng Syrian na amo. Ngunit, hindi pala ito ang orihinal na amo dapat ng OFW na si Freche Paquiding kung hindi ipinasa lamang siya dito ng totoong amo.

Humingi na rin umano ng tulong si Juvelyn sa agency ng kanyang kapatid na si Freche kaugnay sa kaso ng kapatid.

Ngunit sinisi pa umano ng agency ang OFW dahil hindi agad nai-report sa kanila ang ginawang pagpapasa sa kanya.

Ayon kay Tulfo, marahil ay dala ng takot kung kaya hindi nakapagsumbong si Freche.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paliwanag pa ni idol Raffy, responsibilidad ng agency na regular na kamustahin ang mga OFW na hawak nila.

Samantala, isang magandang balita naman ang inihatid ni OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio, nakakulong na ang among Syrian na nangbugbog kay Freche.

Bagay na ikinagalak ng husto ni Tulfo at ng pamilya ni Freche.

Kasalukuyan na rin umanong nagpapagaling si Freche sa isang ospital at posibleng manatili muna sa embahada ng Pilipinas hanggang maaari na itong umuwi sa Pinas.

Ganunpaman, nais ni Tulfo na mabigyan ng leksyon ang agency ni Freche dahil sa tila pagpapabaya nito sa ating kababayan.

Nangako naman si Ignacio na aaksyunan ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel