Tulfo, 'di makapaniwala! Ina, mas kinampihan pa ang manyakis na kinakasama

Tulfo, 'di makapaniwala! Ina, mas kinampihan pa ang manyakis na kinakasama

-Hindi makapaniwala si Raffy Tulfo sa paliwanag ng inang inirereklamo ng kanyang anak na dinepensahan pa ang kanyang asawa kaysa sa sariling anak

-Reklamo ng menor de edad na bata, sinaktan at hinipuan pa siya ng amain

-Nakulong na rin ang amain nito dahil sa pagwawala ang pangbubogbog nito sa ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila mas pinili pa ng inang inirereklamo na si Cristina Kami ang asawang dayuhan kumpara sa sarili niyang anak na isang menor de edad.

Dumulog sa programang Wanted sa Radyo si Adamas Ybanez kasama ang kanyang pinsan na si Eika Valdez upang humingi ng tulong laban sa ina nitong si Cristina.

Nais masiguro ni Adamas na bibigyan siya ng sustento ng ina habang 'di pa niya kayang mag-trabaho.

Umalis na kasi siya sa poder ng ina dahil na rin sa pakikitungo sa kanila ng amain na nakilala sa pangalang Khomar, isang Nepali.

Pinag-bed spacer na lang din siya ng ina hanggang sa siya ay makatapos ng grade 10. Bagay na hindi sinang-ayunan ni Tulfo dahil na rin menor de edad pa ito.

Nang makausap naman si Cristina, masamang-masama ang loob nito sa anak.

Anito, hindi makapag-patawad ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit giit ni Adamas, bukod sa pananakit nito sa ina, nagagawa din siyang abusuhin ng amain sa pamamagitan ng salita.

Hinipuan at sinabunutan pa umano siya nito! Isinumbong pa daw niya ito kay Cristina ngunit hindi ito naniwala sa sariling anak!

Nang tanungin naman ito ni idol Raffy, sinabi pa nitong humingi naman na daw ng tulong ang kinakasama sa bata.

Hindi ito mapaniwalaan ni Tulfo!

Sa huli, nagkasundo naman ang dalawang panig na patuloy na susustentuhan ang bata ng kanyang ina.

Inabandona na rin daw kasi ito ng totoong ama at 'di na ito nakilala pa ni Adamas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel