Angelica Hale, nagpasabog na naman ng galing sa 'America's Got Talent: The Champions'

Angelica Hale, nagpasabog na naman ng galing sa 'America's Got Talent: The Champions'

- Nagpasabog na naman ng kanyang angking galing si Angelica Hale sa America's Got Talent, at pinatayo ang lahat ng tao sa loob ng theater

- Dalawang taon pagkatapos ng unang pagsali niya sa AGT ay sumabak na naman ang ngayon ay 11 years old na si Angelica Hale para sa The Champions episode ng reality talent competition

- Sa sobrang galing ng Fil-Am na singer ay binigyan siya agad-agad ni Howie Mandel ng Golden Buzzer, na ang ibig sabihin ay diresto na siya sa Final Round ng kompetisyon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ilang oras palang ang nakakaraan simula ng pag-upload ng audition round na ngayon ay 11-year-old Fil-Am singer na si Angelica Hale sa 'America's Got Talent: The Champions' ay tumabo na ito ng mahigit 1 million views.

Spotted ng KAMI ang nakakapanindig balahibo na audition ng batang Pinay, na una ng lumabas sa show noong 2017.

Kinanta niya ang napakasikat na kanta na 'Fight Song!' ni Rachel Platten, at pinatayo ang daan-daang mga tao sa loob ng teatro.

Pagkatapos ng kanta ay unang nagbigay ng standing ovation sa mga judges si Simon Cowell, na bilib na bilib sa batang singer.

At dahil sa sobrang galing ni Angelica, binigyan siya ng Golden Buzzer ni Howie Mandel.

Di naman nagpaawat ang mga netizens sa pagbigay komento para sa batang singer.

"this golden buzz was soo due!!..hope to hear from her in the Music world"
"She’s so mature for her age but still acts like a child, and she doesn’t boast about her talent"
"She is a superstar waiting to happen."
"Thank you Howie for the Golden buzzer. We love you Angelica. Continue to fight... "

Panoorin ang unang pagtanggap ni Angelica Hale sa America's Got Talent 2017 noong 9 years old palang siya kung saan naging runner-up siya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens

Fernado Poe Jr and Susan Roces's amazingly restored wedding video wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel